Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 50



Kabanata 50

Malinaw na hindi inaasahan ni Jeremy na magkakaroon ng lakas ng loob si Madeline na magsalita sa

kanya ng ganito.

Sa umpisa ay gusto niya sanang turuan ng leksyon si Madeline, pero bigla na lang nagbago ang

ekspresyon sa kanyang mga mata. Malamig pa rin ang kanyang tono kagaya ng dati. "Anong ibig

mong sabihin na 'di ka na magtatagal?"

Hindi inaasahan ni Madeline na mababahala si Jeremy tungkol dito. Hindi ba kanina sumisigaw siya at

nagbababala na huwag saktan si Meredith?

Hindi niya maintindihan kung ano ang nasa isip ni Jeremy. Subalit, ayaw niyang sabihin sa kanya ang

tungkol sa tumor sa kanyang katawan.

"Wala lang 'yon. Hindi ka dapat nababahala sa mga sinasabi ng isang babaeng katulad ko, Mr.

Whitman." Pagkatapos magsalita ni Madeline, tinulak niya papalayo si Jeremy. Siguro dahil na rin sa

epektong sikolohikal, biglang nagsimulang sumakit ang lugar sa kanyang katawan kung nasaan ang

tumor. © NôvelDrama.Org - All rights reserved.

Ngunit hindi basta-bastang sumuko si Jeremy. "Madeline, napakatigas ng ulo mo. Nagpapanggap ka

ba para makaramdam ako ng awa para sa'yo?"

Nabigla si Madeline bago bahagyang tumawa. "Oo, nagpapanggap na naman ako. Paano

maikukumpara ang isang walang hiya at napakasamang babaeng kagaya ko sa babaeng

pinakamamahal mo? Sa tingin ko ay si Meredith ang pinakapuro at pinakamahinhing santo para sa

mga mata mo!"

Nang sinabi niya ito, tinitigan niya ang mga mata ni Jeremy.

Malalim ang kanyang iniisip sa loob ng mga dalawang segundo bago niya binuksan ang kanyang bibig.

"Tama ka, walang makakapalit kay Mer sa puso ko. Simula noong unang araw na makita ko siya, alam

ko na siya ang babaeng gusto kong protektahan sa buong buhay ko."

Bago matapos si Jeremy, naging matalas at tumatagos ang kanyang titig. "Kaya, kung susubukan

mong saktan kahit isang hibla lang ng buhok ni Mer, sisiguraduhin ko na pagbabayaran mo 'yon nang

mas malala sa 100 o 1,000 beses."

Ang bawat salitang kanyang sinabi ay parang isang espadang yelo na humihiwa sa kalamnan ni

Madeline.

Tumutulo mula sa kanyang katawan ang hindi nakikitang dugo pero hindi niya ito makita.

Namumula ang mga mata ni Madeline pero hindi niya alam kung tatawa ba siya o iiyak.

Lumalabas na walang awa niyang pinatay ang kanyang sariling anak para lang pasayahin si Meredith.

Lumalabas na gusto niyang protektahan si Meredith sa sa sandaling nakita niya ito.

Kung ganoon, sino siya? Nangako rin siya na palagi siyang poprotektahan noong nasa dagat sila. Ano

pala ang kanyang pangako na kukunin siya bilang asawa?

Biro lang ba ito? Oh, hindi. Sa kanyang mga mata ay wala lamang siya. Kahit man lang isang biro.

Biglang naramdaman ni Madeline na hindi niya kilala ang taong nasa kanyang harapan. Mali, hindi siya

isang tao. Isa siyang demonyo.

Pagkatapos umalis ni Jeremy, bumalik si Madeline sa kanyang bahay at namaluktot sa kanyang kama

sa sobrang sakit.

Hindi siya uminom ng kahit na anong gamot. Gusto niyang ipaalala ng sakit na kailangan niyang

maging malakas at mabuhay nang may malinaw at matinong pag-iisip para mapaghiganti ang kanyang

anak.

Nagsimula muling maghanap ng trabaho si Madeline. Sa huli, malinaw ang mga resulta---walang

kumpanya ang gustong tumanggap sa kanya.

Nakatayo siya sa kanto ng kalsada sa may tabi ng streetlight. Pagkatapos, nagsimula siyang matulala.

Paano niya kakalabanin si Meredith sa ganitong sitwasyon?

Nakakita siya ng isang nagpipiyestahan at nagsisiyahang entertainment center sa hindi kalayuan at

bigla siyang may naalala.

Bago siya makulong, mayroon pa siyang malaking utang.

Matagal na rin siyang nakalaya, pero hindi siya nakatanggap ng kahit na anong tawag na nagsasabing

kailangan niyang magbayad.

Iniisip ni Madeline na baka hindi siya pinipilit na magbayad dahil naawa sila sa kanya. Pagkatapos

niyang magtanong tungkol dito, nalaman niya na mayroong nagbayad ng utang niya para sa kanya.

Ang unang taong kanyang naisip ay si Ava. Nag-aalala siya na baka binayaran ni Ava ang kanyang

utang sa pamamagitan ng pangungutang sa isang loan shark. Subalit, sabi nila ay lalaki raw ang

nagbayad para sa kanya.

Mabilis na tumibok ang puso ni Madeline sa sandaling iyon. Kaagad na lumitaw ang mukha ni Jeremy

sa kanyang isipan.

Siya kaya iyon?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.