Don't Let Me Go, Diana

Chapter 21



Chapter 21

Six months later...

"FOR THE past years, I never told you I love you. Nahihiya kasi ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, wala

akong karapatang magbanggit ng anuman tungkol sa pagmamahal samantalang hindi ko maibahagi sa

'yo nang husto ang sarili ko, samantalang hindi ko maibigay sa 'yo ang apelyido ko."

I knew it. Napailing si Alexis habang nakatitig sa kanyang ama na naglalakad palapit sa mesa nila ng

ina. Kanina lang ay nasorpresa pa silang lahat nang marinig itong umawit sa mismong restaurant kung

saan sila niyaya nito. Pero hindi pa pala roon natatapos ang mga pakulo nito. Natahimik ang lahat ng

mga kumakain sa lugar na iyon habang tutok na tutok sa kinakabahang anyo ng bise-presidente ng

bansa na ngayon ay nakalapit na sa mesa nila hawak pa rin ang mikropono.

"All these years, I've loved you in silence, Miranda. Sabi ko noon sa sarili ko, sakali mang magsawa ka

na at mapagod sa uri ng relasyong mero'n tayo, maiintindihan ko. Pero naiiba ka. I've always wondered

how you managed to stay despite everything." Lumuhod si Alexander sa harap ng kanyang ina

kasabay ng paglabas nito ng singsing mula sa bulsa ng pantalon nito. "I don't want to love you in

silence anymore. Miranda, will you grow old, I mean, older with me?"

Nagtawanan ang mga tao. Pero para bang hindi iyon napansin ng ina na tumayo mula sa upuan nito.

"Alex, you are worth all the tears and sacrifices." Naluluhang sagot ng ina kasabay ng pagyakap nito sa

kanyang ama. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Ilang sandaling pinakatitigan ni Alexis ang

dalawang matandang ni sa hinagap ay hindi niya inakalang hahantong sa ganoon bago unti-unting

sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

Habang pinagmamasdan ang mga ito ay bumalik sa isip ni Alexis kung paano sila nagsimula ng mga

magulang sa bagong yugtong iyon ng mga buhay nila. Eksaktong walong buwan iyon sa araw na iyon,

sa mismong kwarto niya sa ospital...

"Patawarin mo ako, Alexis. Everything about my life was a mess, son. Hindi ko alam kung paano

maging ama. Ang alam ko lang, kung paano maging anak." Nakayukong sinabi ni Alexander na

gumulat kay Alexis. Wala sa karakter ng kanyang ama ang humingi ng tawad at tanggapin ang mga

pagkakamali nito. "Nagpakasal kami ni Connie dahil sa utos ng mga magulang namin para sa mas

ikalalago ng kompanya namin." Si Connie ay ang orihinal na asawa nito. "Nang makilala ko siya, may

iba na siyang mahal. Pero sinunod niya pa rin ang utos ng kanyang mga magulang.

"Sa pamilyang kinabibilangan namin, isang malaking pagkakamali ang hindi sumunod sa mga

magulang kahit pa kaligayahan mo ang nakataya. Okay lang naman sa akin noong una dahil wala

naman akong girlfriend noon. But Connie and I never succeeded as man and wife." Bahagyang humina

ang boses ng ama. "She had always loved Rextor, her first boyfriend. Parati ko siyang nahuhuli na

lihim na nakikipagtagpo sa lalaking iyon. Again, I told myself it was okay as long as she was discreet

about it. The boys I lived with, they were never my sons. Anak sila ni Rextor. Walang nangyari sa amin

ni Connie. Mahirap paniwalaan pero 'yon ang totoo." Anang ama kasabay ng pagbaling kay Miranda.

Hinawakan nito ang kamay ng huli. Lahat ng pangungumpisal ng kanyang ama ay dinig na dinig rin ng

ipinakilala sa kanyang lolo at lola niya na tahimik na nakaupo lang sa kanyang tabi.

"I just couldn't touch her knowing that it was another man she will think of. Nang asikasuhin namin ni

Connie ang pag-proseso ng annulment last year, saka lang namin ipinaalam sa mga anak niya na hindi

ako ang totoo nilang ama. Alam na rin nila ang tungkol sa inyo ni Miranda. We had a reputation to

protect that's why we remained silent until the day the petition for annulment was granted. It was your

mother that I truly love, Alexis." Matipid na ngumiti si Alexander nang humarap sa kanya. "Nang

makilala ko siya, gusto ko nang itigil ang pagpapanggap at makipag-annul kay Connie. Pero nagalit si

Papa. He threatened me that he will ruin you and your mother if I do that. Tanggap niya ang magkaroon

ako ng ibang pamilya basta hindi malalaman ng publiko pero ibang usapan na ang makipagkalas kay

Connie dahil gusto niya pa akong tumakbo sa mas mataas na pwesto sa gobyerno at makakasira ang

annulment sa gusto niya. Kaya naghintay ako ng tamang pagkakataon. Na kailan lang dumating nang

mamatay si Papa kulang dalawang buwan na ang nakakaraan. You see, my father was a very cruel

and powerful businessman."

Hindi nakaimik si Alexis. Nanatili lang siyang nakamaang sa ama. Hindi siya nagkaroon ni minsan ng

pagkakataon na makilala ang kanyang lolo na si Alejandro Guevarra. Pero alam niyang naging usap-

usapan ito ng karamihan. Because the old Guevarra eats people alive. Isa itong higante kung ituring ng

ibang mga negosyante sa laki at lawak ng korporasyon na nasasakupan hindi lang sa Pilipinas kundi

maging sa Asya at Europa.

"Higit na maimpluwensya pa si Papa kaysa sa akin, lalo na sa negosyo. The political career, it was my

entire father's doing. Nagustuhan ko na lang ang pamumuno sa paglipas ng panahon. At ayaw ko nang

tigilan pagkatapos. That was how messed-up I was. Hindi ko pinagamit ang apelyido ko sa 'yo dahil

pakiramdam ko, hindi ako karapat-dapat para gawin 'yon. I couldn't marry your mother without ruining

my political career, without ruining you both. I couldn't tell the whole world about you and her without

sacrificing so many things. Dahil bukod sa inyo ng Mama mo, nagustuhan ko na ang paglilingkod sa

publiko. Sa bagay lang na 'yon ako hindi bano. Hindi nagkakamali. Iyon lang ang kontrolado ko kahit

paano.

"Iyong pagpapalaki ko sa 'yo, patawarin mo ako, anak. Ganoon ako pinalaki ni Papa. Kailangan kong

sabihin ang mga salitang 'yon at umasa na sana hindi ka tumulad sa akin. Dahil gusto kong mangarap

ka, gusto kong mag-iba ka ng daan na taliwas sa tinahak ko. Ayokong matulad ka sa akin. You see,

lahat ng nangyari sa buhay ko maliban sa ang mahalin ang mama mo at pagiging ama mo, hindi ko na

ginusto." Napahugot ng malalim na hininga si Alexander. "Nang nalaman kong may sakit sa puso si

Papa noong nakaraang taon, kasamaan mang maituturing pero natuwa ako. Dahil nangangahulugan

'yon na makakalaya na kami ni Mama mula sa pagdodomina niya.

"Noong nakaraang taon din habang naka-confine sa ospital si Papa ay palihim naming inasikaso ni

Connie ang annulment papers namin. It was granted the very day I called you to meet me. Nagpa-

presscon ako noon para sana aminin sa lahat ang tungkol sa inyo ng mama mo. Ang kaso ay

naaksidente ka kaya hindi mo na narinig pa. It was the least I could do sa lahat ng mga kasalanan ko

sa inyo. Connie was now busy chasing the real man she loves. And here am I... hoping I can chase

you and your mother, too."

"Sinusugod n'yo ako noon sa opisina." Sa dinami-rami ng mga bagay na tumatakbo sa isip ni Alexis ay

iyon lang ang nasabi niya. Dahil hindi niya alam kung paano magre-react sa mga narinig.

"Dahil nami-miss kita, anak. You know about missing someone so badly and when you finally saw that

person, you got nervous so much that you ended up saying the wrong words instead? Iyon ang parati

kong ginagawa tuwing nakikita ka. Nakapagsasalita ako ng mga maling bagay sa maling panahon at

mali ring mga dahilan. Because I was a wrong father to start with."

"Alexis!"

Natigil sa pagbabalik-tanaw si Alexis nang marinig ang pagtawag na iyon sa kanya ng ina. Napatayo

siya nang lumapit ito sa kanya kasama ang kanyang ama na naka-plaster ang ngiting tagumpay sa

mga labi.

"Congratulations, oldies," bati niya. Sumimangot ang ina at malakas na tinampal siya sa braso na

parehong ikinatawa lang nila ng ama.

"Kung hindi oldies at kung ano-ano pang bansag ay Vice at Miranda ang itinatawag mo sa amin ng

papa mo, Alex." Bumuntong-hininga ang ina. "Kailan ka kaya namin maririnig na tawagin kaming

Mama at Papa?"

Masuyong ngumiti si Alexis. "Congratulations, Mom... Dad. Best wishes."

Nangislap sa luha ang mga mata ng kanyang ina. Hindi siya nakakilos agad nang bigla siyang yakapin

ng mga ikakasal. Sa dami ng mga nangyari ay hindi siya sanay na tawagin ang mga ito sa paraang

gusto ng mga ito. Pero nakahanda siyang matutunan iyon. Nakahanda siyang sanayin ang sarili.

Natuklasan niya rin na matagal na palang huminto sa paglalaro sa casino ang kanyang ina.

Napatunayan niya iyon nang lumuwas si Manang Renata ng Maynila nang ibalita ng kanyang ina rito

ang aksidenteng kinasangkutan niya. Bago pa man daw siya magtapos ng kolehiyo ay tumigil na ang

ina. Ang lihim na pagsubaybay ni Miranda sa kanya at ang panunuyo sa mga magulang para

mapatawad ito ang pinagkaabalahan ng ina sa nakalipas na mga taon.

Noong una, aminado si Alexis na nahirapan siyang tanggapin ang mga paliwanag ng kanyang mga

magulang. Nahirapan siyang tanggapin na takot ang humadlang sa dapat sana ay maayos na

pagsasama nila. Natakot ang kanyang mga magulang na magpakita ng pagmamahal sa kanya dahil

lang sa inaakala ng mga itong hindi karapat-dapat ang mga ito na maging magulang.

Pero kalaunan, nahirapan din siyang hindi magpatawad. Lalo at kailangan niyang gawin iyon para sa

sariling peace of mind at para sa babaeng naghihintay sa pagbabalik nang mas maayos na Alexis

Serrano Guevarra. Nang makalabas siya ng ospital ay inayos ng kanyang ama ang paglilipat ng

apelyido nito sa kanya. Dahil sa pagkakataon daw na iyon ay wala nang makakapigil rito.

Dalawang araw matapos niyang mai-discharge sa ospital ay nagbiyahe sila papuntang Japan para

magbakasyon sakay ng private jet ng ama. Ipinagkatiwala niya na muna sa mga tauhan niya ang

kanyang firm. Isang linggong nanatili sa piling nila ang ama bago bumalik ng Pilipinas para gampanan

pa rin ang mga obligasyon nito sa sariling bansa. Umani ng batikos si Alexander nang umamin ito sa

publiko tungkol sa totoong lagay ng buhay may-asawa nito. Pero may ilan ring nakatanggap sa kanila.

Ngayon ay kinikilala na siya ng lahat bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng bise-presidente ng

Pilipinas.

Sa loob lang ng ilang buwan ay napakarami ng naging pagbabago sa buhay niya... sa buhay ng

pamilya niya. Iniwan man sila ni Alexander sa Japan ay nagkaroon naman siya ng panahon na Property belongs to Nôvel(D)r/ama.Org.

makasama ang ina nito, si Miranda, pati na ang lolo at lola niya na nagawa na rin siyang tanggapin pati

ang kanyang ama. Walang araw noon ang lumilipas ng hindi nila nakakausap ang ama na bumawi

nang husto sa pamamagitan ng video call.

Dalawang linggo na ang nakararaan nang sunduin sila ng ama mula sa pagliliwaliw sa Japan. Sama-

sama silang bumalik sa Pilipinas. Nasa huling termino na ang kanyang ama. Kahit pa may mga

kumukumbinsi ritong tumakbo uli ay nauna na nitong in-announce sa publiko na hindi na tatakbo pa sa

pinakamataas na posisyon sa gobyerno sa susunod na halalan. Tuluyan na nitong ihihinto ang

pagiging pulitiko para sa pagkakataong iyon ay mapagtuunan daw ng pansin ang pamilya nito.

Nang sa wakas ay pakawalan siya ng mga magulang ay nangingiting inilibot niya ang mga mata sa

mesa nila. Iisa na lang ang kulang sa mga nakaupo roon.

Diana...

GUMUHIT ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Diana nang makita uli ang nagliliwanag na gate ng

Saint Gabriel Academy. Ngayon na lang siya muling nakabisita doon pagkalipas ng kulang sampung

taon. Nakakalungkot lang isipin na sa gabing iyon, sa mismong reunion nila ay mag-isa lang siyang

pupunta.

Alexis... Ang daya mo.

Mahigit dalawang linggo na simula nang malaman niyang bumalik na sa bansa ang pamilya ng binata

mula sa pagbabakasyon sa Japan. Dahil kinikilala na ng publiko ang totoong pamilya ng bise-

presidente ay nabalita pa ang pangyayaring iyon sa telebisyon.

Pero hindi man lang nagtext, tumawag o nagparamdam sa kanya si Alexis. Dalawang beses niya na

itong nakita sa dyaryo na kasama ng ama sa ilang malalaking gathering. At madalas, pinalilibutan ang

binata ng hindi mabilang na naggagandahang mga babae. Buhay na buhay ang nakita niyang ngiti nito

sa dyaryo. Mukhang tuluyan nang nakabangon ang binata mula sa mga masalimuot na pinagdaanan

nito.

Pero kasabay niyon ay mukhang kinalimutan na siya nito.

Nagsikip ang dibdib ni Diana sa naisip. Kahit na naghihinanakit, araw-araw pa rin siyang naghihintay...

gaya nang ipinangako niya. Dahil iyon ang inuutos ng puso niya.

Axis, kung may iba ka na, sabihin mo naman. Ipaalam mo naman, utang na loob. Namamasa ang mga

matang naisaloob niya bago lumabas na ng kanyang kotse at tumuloy sa loob ng malawak na

gymnasium ng Academy na inayusan nang husto para sa homecoming.

Malayo pa lang ay naririnig niya na ang masiglang tugtog mula sa loob at ang nagkakasiyahang ingay

ng mga tao. Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang para bang automatic na nanahimik ang mga ito

sa pagpasok niya. Lahat ng mga mata ng mga naroon ay nakatutok sa kanya. Kinabahan siya.

Ano'ng nangyari? May nagawa ba ako? Pero ano naman? Samantalang kadarating ko lang.

Pero mayamaya lang ay naglaho rin ang nadaramang pagkailang ni Diana nang magsimulang

tumugtog ang banda sa make-shift stage sa sentro ng gym. Napaawang ang bibig niya nang makilala

kung sino ang mga iyon. Si Alexis iyon... at ang banda nito. Oh, God.

"Soft as a rainbow like stardust and moonglow, I see the love in your eyes. Like autumn leaves falling

and the first call of morning, it came to my surprise. True love calls just once in a lifetime. Why should

we wait when now is the right time?"

Ngayon na nga ba ang tamang panahon, Axis? Pumatak ang mga luha ni Diana habang naririnig ang

pagkanta ni Alexis. Kay tagal niyang nangulila sa mukha nito, sa boses nito... at sa lahat-lahat

patungkol rito.

Just give me a sign, love. Hindi mo na kailangang magsalita. Ako na mismo ang lalapit at tatakbo

palapit sa 'yo.

"THE JOY of surrender, so strong yet so tender. I give my heart to you. You know you can trust me.

And that's how it must be no matter what we do. Faithful friends and lovers forever. Right to the end,

we'll always be together..."

Gaya ng dati ay para bang sandaling nalimutan ni Alexis ang lyrics ng kanta nang makita niya uli ang

nag-iisang babaeng sa nakalipas na mga buwan ay binihag ang isip niya. Sabagay, hindi pa siya

nasanay. Kailan ba hindi dumaan sa isip niya si Diana? Sa oras na pumasok ito roon, hindi na ito

umaalis pa... gaya nang mismong ginawa nito sa puso niya.

Mabuti na lang at nakapaghanda siya nang gabing iyon. Sa likod siya ng piano nakapuwesto kung

nasaan ang lyrics sheet. Muli niyang iyong pinasadahan ng tingin. Narinig niya ang pagtawa ng mga

kabanda.

"Some things never changed, huh?" Ani Roy na nasa likod ng drum set.

Napangiti na lang si Alexis kasabay ng muli niyang pag-awit habang hindi inaalis ang tingin kay Diana

na kasalukuyan nang naglalakad palapit sa make-shift stage. Ganoong-ganoon ang nangyari sa kanila

dati. Ang pagkakaiba lang ay mas matapang na siya ngayong harapin ang nararamdaman.

"When love comes sweetly to your door, embrace completely what your soul is longing for. Nothing can

stop this love we're making. Nothing can stand in our way. Nothing can block this road we've taken.

Nothing can stop us now..." Nang matapos ang inihanda niyang kanta ay tumayo na si Alexis. Agad

namang sinalo ni Earl ang gawain niya. Pumuwesto ito sa likod ng piano at itinuloy ang pagtugtog pero

mas mahina na sa mga sandaling iyon.

Hawak ang microphone ay bumaba si Alexis ng stage at naglakad palapit sa pinakamatapang na

siguro na babaeng nakilala niya sa buong buhay niya. Marahan siyang napangiti. Napakalakas ng loob

ni Diana para kaibiganin siya at mahalin ang isang tulad niya.

Huminto siya ilang hakbang ang layo kay Diana. She was shining like the first time he saw her in their

college Valentine's party. Nakasuot ito ng puting long gown na lalong nagpatingkad sa bituin nitong

taglay. At mula sa gabing iyon, hindi niya na pakakawalan pa ang bituin na iyon.

"Axis..." Basag ang boses na sinabi nito.

"Just like the lyrics of the song, Diana... Nothing can stop us now." Nag-init ang mga mata ni Alexis.

Hindi siya likas na emosyonal. Pero nang makilala niya ang dalaga, lumabas lahat ng pinakatago-

tagong emosyon sa puso niya. Pero sa pagkakataong iyon, maipagmamalaki niya na wala nang bahid

ng anumang negatibo ang mga emosyong iyon.

"Sinadya ko talagang itaon sa reunion na 'to ang muli nating pagkikita. Dahil gusto kong balikan ang

Saint Gabriel Academy nang kasama ka. Dahil napakahalaga ng lugar na ito para sa akin. Dito kita

nakilala. At dito mo binago ang buhay ko, Diana. Dito mo ako tinuruang makaramdam. Dito mo unang

pinatibok ang puso ko."

"At dito rin kita unang minahal." Nakangiting sinabi ni Diana kasabay ng pagtawid sa natitirang

distansya sa pagitan nila. Ubod nang higpit na niyakap siya nito. Agad na naipikit niya ang mga mata

sa kapayapaang pumuno sa kanyang puso.

Paano niya naisip na ipaubaya si Diana sa iba noon? Paano niya naisip na makakaya niyang sumikat

at lumubog ang araw nang iba ang kasama nito?

"I've missed you so much, Axis. Ang akala ko ay nakalimutan mo na ako."

Gumanti siya ng yakap sa dalaga. "You silly girl. Makakalimutan ko ang lahat maliban sa 'yo." Kasabay

ng bahagya niyang paglayo sa dalaga ay ang pagluhod niya sa harap nito. Inilabas niya ang singsing

na binili niya sa Japan. Bago pa man siya umalis ng Pilipinas ay sigurado na siyang wala siyang ibang

gugustuhing makita sa bawat paggising niya sa umaga at sa bawat pagtulog niya sa gabi maliban sa

best friend niya, maliban kay Diana.

"Tinupad ko 'yong gusto mo. Lumayo ako at nagpagaling para kilalanin 'yong sarili ko. Pero hindi ako

gumaling nang husto. Dahil sa bawat lugar na puntahan ko, ikaw ang nakikita ko. Kaya lalong

nagkasakit 'to." Itinuro ni Alexis ang kaliwang dibdib. "Diana, sa pagkakataong ito, sa harap ng mga

nandito, muli akong humaharap sa 'yo. Hindi bilang 'yong gago, walang pangarap, at basagulerong

Alexis Serrano. Kundi bilang Alexis Guevarra, isang arkitekto na nagmamahal sa 'yo."

"Oh, God." Naitakip ni Diana ang palad sa bibig nito.

"Hindi kita nakalimutan. At hinding-hindi kita makakalimutan dahil kailangan kita, Diana." Matapat

niyang dagdag sa kabila ng pamumuo ng nerbiyos sa kanyang puso. "Kailangan kita kung paanong

kailangan kong huminga, kung paanong kailangan kong uminom at kumain para mabuhay. Kailangan

kita kung paanong kailangan kong matulog para makapagpahinga... para mapayapa kahit sandali mula

sa buong araw na kapaguran. Kailangan kita dahil mahal kita, Diana. Mahal na mahal. Will you marry-"

"Yes."

Nagtawanan ang mga taong nakapaligid sa kanila nang si Diana na ang mismong kumuha ng singsing

mula sa kanya at nagsuot niyon sa daliri nito. Agad na naglaho ang kaba niya. Natawa siya kahit pa

nagsisimula muling mamasa ang kanyang mga mata. Kahit kailan talaga ay kakaiba si Diana.

Lumuhod rin ang dalaga at ikinulong ang mukha niya sa maiinit na mga palad nito, mga palad na

mahahawakan niya na habang-buhay. "I love you so much, Axis."

Dinampian niya ng halik sa mga labi ang dalaga. Sa gabing iyon, wala na siyang mahihiling pa.

Natupad na ang lahat ng pangarap niya. "Don't let me go, Diana."

"Not again."

Wakas

The Novel will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.