CHAPTER 32: Santy
(Renz)
Ngiting ngiti akong nakatitig sa box na dala ko na naglalaman ng cake.
"Panigurado magugustuhan ito ni Patty."
Nakokonsensiya ako dahil wala man lang akong naibigay sa kanya noong official member na siya ng Zairin Band at noong ni-welcome siya ng Zairin Boys. "Kuya Santy!"
Natigilan ako, no'ng marinig ko iyon para akong itinulos sa kinatatayuan ko at nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa taong tumawag sa'kin at kumakaway na nakangiti. Bumalik sa alaala ko ang mga pangyayari noon na pilit ko ng ibinabaon sa limot.
'Bakit ganito? Ano 'tong nararamdaman ko? Hindi ako makagalaw.' Narinig ko na lang ang sigawan ng mga tao sa paligid ko at ang pagsigaw muli ng isang tao sa pangalan ko na pilit ko na ring kinakalimutan. "KUYA SANTYYYYY!!!"
Hindi ko na alam ang nangyayari pero naramdaman ko pa na nabitawan ko 'yung hawak kong box na may lamang cake at ang pag-ikot nang paligid ko. Natumba ako sa lupa, nanlabo ang aking paningin pagkatapos no'n unti-unti ng dumilim ang paningin ko.
+++-
'Kuya Santy !!! Tara tulog na tayo.'sabi ni Precious n kapatid kong bunso, pareho kaming 4 years old pero mas panganay ako sa kanya dahil ayon kela mommy nauna akong lumabas kaysa kay Monique.
I call her Precious dahil mahalaga siya sa amin. Ang sabi nila mom and dad na ako lang ang buhay ng ilabas pero nakakatuwa dahil after ko daw hawakan ang kamay ni Monique, milagrong nabuhay ito.
'Oh sige, humiga ka na d'yan para makapunta na rin ako sa room ko.' sagot ko naman sa kanya at lumapit sa kama niya para kumutan siya at bigyan siya ng good night kiss sa noo.
'No, kuya Santy, gusto ko tabi tayo dito sa kama ko baka kasi my monster na kumuha sa'kin.' sabi pa nito na nagpapa-cute sa akin.
Natawa ako. 'Ikaw talaga inuuto mo na naman si kuya.' sabi ko sa kanya na bahagyang ginulo ang buhok nito.
Sumimangot ito. 'Sige na kuya Santy, I'm scared kasi eh. alam ko naman na hindi ako makukuha ng monster kapag nandito ka sa tabi ko at saka gusto ko talagang katabi ka kuya... pleaseeeee...' sabi pa nito na pinagdikit pa ang mga palad na parang nagdarasal at lalo pang pinaawa ang mga mata.
Oo na, sige na nga my precious. Ikaw talaga alam na alam mo kung pano ako hindi makakatanggi sa'yo.' sabi ko sa kanya na natatawang sumampa na sa kama ni Monique para tumabi sa kanya. Alam na alam talaga nito ang kahinaan ko.
'Yehey!!! I love you kuya Santy.' sabi nito saka yumakap sa akin na tuwang-tuwa.
Maya maya pa ay nakatulog na ito na nakayakap sa'kin. Napangiti ako habang nakatingin kay Monique.
'I love you too precious.' mahinang sabi ko at saka ito hinalikan sa noo bago unti-unting tinanggal ang pagkakayakap nito sa akin.
Pupunta na ako sa sarili kong kwarto. Ganito naman lagi ang ginagawa ko kapag dito niya ako pinapatulog, hinihintay ko muna na makatulog siya then lilipat na ako sa sarili kong kwarto after.
'Renz, gising. Renz, bumangon ka bilis!' naalimpungatan ako dahil medyo malakas ang pagkakayugyog sa akin.
'Bakit kuya CJ?' tanong ko na inaantok pa saka nagkusot ng mga mata.
'Bumangon ka na d'yan bilisan mo. Nasusunog yung bahay natin.' sabi nito kasama sina Manang na nasa likuran pala niya na halatang natataranta.
Nawala ang antok ko dahil sa sinabi nito. Mabilis kaming lumabas nang kwarto ko pero sinalubong kami ng makapal na usok pagkalabas namin sa hallway.
Nakaramdam na ako ng takot na baka hindi kami makalabas ng buhay dahil sa sobrang laki ng bahay namin. Nasa bandang taas pa ang mga kwarto naming magkakapatid. Napaka-laki na ng apoy at napaka-kapal ng usok. 'Wait kuya, paano si Precious? Nasaan siya?' natatarantang tanong ko kay kuya CJ.
'Naroon na si Princess sa baba, nailigtas na siya nila Manang binalikan lang nila tayong dalawa dito.' nakahinga ako ng maluwag sa narinig, buti naman pala at ligtas na si Precious.
'Bilisan na natin mga Iho at mas lalong lumalaki ang apoy kumakapal na rin ang usok, baka maya-maya lang hindi na tayo makahinga dito.' mabilis na nga kaming bumaba, nang medyo nasa kalahatian na kami ng hagdan ng may bumagsak na malaking kahoy sa harapan namin. Nabagsakan si ate Isa at yung dalawa pang maid na kasama namin.
'Jusko! Tulong! Tulungan niyo kami!' sigaw ni Manang para marinig kami at mailigtas agad dahil sa takot. Nakisabay na rin kami ni kuya sa pagsigaw ng tulong para mas marinig kami ng maaaring makatulong sa amin dahil kahit kami ni kuya natatarantan na.
Maya-maya lang ay may mga tao na kaming nakita na papalapit sa amin. Safe na kaming nakalabas sa mansyon dahil sa tulong ng mga bumbero. Naghihintay na pala doon sa labas sila mom and dad. Agad nila kaming niyakap ni kuya. 'Nasaan si Monique? Manang nasaan siya? Bakit hindi niyo siya kasama?' tanong ni mom kay Manang. Naguguluhang napatingin ako kay kuya CJ.
'Kuya nasaan si Precious? Akala ko ba nandito na siya.' tanong ko kay kuya.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!noveldrama
'Eh ma'am ang alam ko naririto na siya sa labas dahil siya ang nauna naming nailabas dito.' nilibot namin ang paningin sa paligid pero wala, hindi namin siya makita.
'Guards libutin niyo ang buong paligid nitong mansyon baka nagsuot-suot lang d'yan sa kung saan.' utos ni dad sa mga guards nmin.
Hindi nmn sya naiwan sa loob mom dba, ligtas c precious. sabi ko kay mom na hltang kinakabahn n rin.
Yes, Renz baby ligtas ang kpatid mo ligtas c Monique, hindi sya mwawala satin. sav ni mom na niyakap na aq. pero alm ko mging sya kinakabahan.
Si dad nmn ay ngtanong. tanong n duon sa mga pulis at bumbero kung nkita b nila c precious. Tuluyang npaiyak c mommy ng marinig niya ang cnav ng isang pulis n npagtanungan ni dad.
Sir npansin ko po n tumakbo sya ppasok ulit sa loob, hinabol ko po sya pra pigilan sa pagpasok pero Sir ndi ko na sya nkita sa loob dhil sobrang kpal n ng usok. ngtawag din aq ng isang bombero na pupwedeng mgpatay ng apoy sa bungad ng pinto pra mkpasok kmi pero ndi n rin nklabas p ung bumbero ng pumasok sya dhil sa sobrang laki ng apoy at kapal ng usok. Maaari pong ndi n rin sya mkaligtas sa loob rin psensya na po.
No! it cant be. Hindi totoo yan. Buhay sya, buhay c Monique. PRINCESSSSS!!!! Buhay ang anak ko, buhay siya...! Sigaw ni mom hbang mlkas na umiiyak. Si dad nmn ay nkatulala Ing pero mya. mya Ing ay umiiyak n rin sya. Pati c kuya Cj ay umiiyak n rin.
mya. maya Ing nagsibalik n ung mga tauhan ni dad n inutusan nya sa paghahanap kay precious pero hindi rin nila ito nkita.
No! hindi ito totoo. buhay c precious. nanjan Ing sya sa pligid. I know buhay sya. Hindi sya pwedeng mwala.
'PRECIOUSSSSSS!!!!!' sigaw ko at akma sanang tatakbo pbalik sa mansyon pero nhawakan aq ni dad.
'Renz hindi ka pwedeng pumasok doon dahil dilikado.'
Pero dad, c precious nsa loob. ililigtas ko sya. pkawalan mo aq dad, papasok ako dun, ililigtas ko siya. patuloy kung sigaw at pilit kumakawala sa pagkakakapit sa knya na ptuloy p rin sa pag. iyak. halos mg. wala na aq pero ndi aq binitawan ni dad.
---+++-----
PRECIOUSSSSSS!!! Napabangon ako bigla sa pagkakahiga pero napahiga lang din ulit dahil nakaramdam ako ng hilo, hinihingal ako na parang napakalayo ng tinakbo.
"Panaginip, no isang bangungot na parang kahapon lang nangyari." mahinang sabi ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatantanan ng nakaraan. Sinisisi ko pa rin ang sarili ko dahil hindi ko siya nagawang iligtas noon. 'Precious, I'm so sorry!'
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Yumugyog ang aking mga balikat at nagsimulang pumatak na naman ang luha sa mga mata ko na matagal ko ng pinipigil. Kung hindi ko lang sana siya iniwan noon sa kwarto niya, kung sana doon na lang ako natulog sa tabi niya. Kung sana binantayan ko siya, edi sana hindi mangyayari 'yon, hindi sana siya nawala at sana kasama pa namin siya ngayon. Hindi ko alam na iyon na yung huli na makakausap, makakatabi at mayayakap ko siya.
Napalingon ako ng bumukas ang pinto at pumasok si Lina, ang babaeng nagpabalik ng masakit na alaala sa akin. Kasunod nito si Patty na nakayuko at yung apat na tropa ko, sila Prince, Niko, Vince at Lance. Kumirot ang dibdib ko. Mas ineexpect ko pa na si Patty ang tatawag sa akin ng kuya Santy kaysa sa babae na puro kasamaan lang ang nasa isip.
"Kuya Santy okay ka na ba? Ano ba ang nangyari sa'yo?" nag-alalang lumapit sa kinahihigaan ko si Lina. As if we are close.
Ano na naman ang pinaplano nito? Paano niya nalaman ang pangalan ko na si Monique lang ang tumatawag sa akin noon?
'It can't be! Hinding hindi siya magiging si Monique.'
"Huwag mo akong tawaging kuya Santy, wala kang karapatan. Huwag na huwag mo akong tatawagin sa pangalan na yan." sigaw ko sa kanya. Kumuyom ang aking mga kamay.
Nagulat ito sa ginawa kong pagsigaw sa kanya. Nasasaktan pa rin kasi ako kapag naririnig ko yung pangalan ko na iyon. Dahil doon bumabalik sa'kin ang mga nangyari noon. Lagi sa aking pinapaalala na napakasama kong kuya dahil hindi ko siya nailigtas, hindi ko naprotektahan si Precious.
"Gusto kong mapag-isa. Please...... leave."
"Pero kuya san-- I mean Renz, okay ka na--?"
"Hindi mo ba ako narinig? Bingi ka ba? Gusto kong mapag-isa." sigaw kong muli na hindi na pinatapos pang magsalita si Lina.
Natahimik naman ito at kitang kita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha ng dalaga. I saw pain in her eyes pero dinedma ko iyon. Wala naman itong sinabi at lumabas na nga ito ng clinic.
Lumapit si Prince sa tabi ko. "Pahinga ka na muna, dude." anito saka ako tinapik sa balikat.
"Tutulungan ka namin na ma-solve agad ang lahat. Don't worry." turan naman ni Lance.
Tumango lang ako at nagpaalam na nga ang mga ito. Nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata ni Patty sa hindi ko malaman na dahilan.
Naiwan akong mag-isa dito na nakatulala lang sa kawalan.
"Gusto ko ng matapos ang lahat ng ito at malaman ang katotohanan."