CHAPTER 38: Announcement Part 2
(Patty)
NAGUGULUHAN ako. Marahang lumapit sa akin sila mommy at daddy ngunit umatras ako.
Hindi pa man malinaw sa akin pero may kutob na ako.
"Patty, baby please. Magpapaliwanag ako."
"Ano pa ba ang ipaliliwanag mo sa kanya Janice? I treated you like my own sister and my best friend pero ganito ang igaganti mo sa akin." Naiiyak na turan ni Tita Kelly.
Napahawak ako sa aking dibdib dahil bigla iyong kumirot. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.
"What the heck is going on?", singit ni Lina.
Napakunot noo ako.
Naglakad ito papalapit sa amin. "Wait! Tita Janice, You knew her? Matagal na kayong magkakilala? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Tita? Bakit ang casual niya lang makipag-usap kay mommy? Ano ba talagang nangyayare?
"Shut up Lina!"
"Lina, totoo pala Hija, kasabwat ka nila Patrick at Janice sa panloloko sa aming lahat."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na sinabi ni Tita Kelly. Kasabwat?
"I..... No! I can explain."
Hindi makapaniwala ang mga tao. Walang ni isang nagsalita at nakikinig lamang ang mga ito.
"Why did you do that Janice? Alam mong kaya kitang tulungan kong sa business ang problema mo pero bakit dinamay mo pa ang mga anak ko?"
"Don't film us, you idiot!", historical na sigaw ni Lina. "Bingi ba kayo? Huwag niyo kaming i-film."
Tinulak-tulak pa niya ang mga kawawang taga media at nagwala. Mabilis lumapit ang mga Zairin boys dito at sinubukan siyang pigilan.
"Ako si Monique, ako ang nawawalang anak niyo.", patuloy pa rin na sigaw nito. "Wala nang iba."
Dumating na ang mga pulis at itong mga ito na ang pumigil kay Lina.
"You set it up, do you? Plinano niyo ito. You!!!"
Dinuro-duro ni mommy si Tita Kelly. Akma sana itong lalapit sa mga Dela Vega ngunit naharangan na ito nang mga pulis. Nagpumiglas ito at pinipilit na makalapit. "Mommy." umiiyak na turan ko.
Bigla itong kumalma saka tumingin sa akin.
"Please tell me the truth. Ano po ba ang nangyayare?"
Umamo bigla ang mukha nito at mabilis lumapit sa akin.
"Baby, please makinig ka. Don't cry, okay?", anito habang marahan na pinapalis ang mga luha sa aking pisngi.
"I want to know the truth, please."
Natigilan ito at ilang segundong nakatitig lamang sa akin.
Sobrang tahimik nang paligid. Aakalain mong walang katao-tao roon.
"Please..... mommy."
Nagsimulang mamasa ang mga mata nito habang nakatitig pa rin sa akin.
"Baby."
Kinuha ko ang dala-dala kong sling bag. Hindi ito nagsalita at hinintay lamang kung ano ang gagawin ko.
Kinuha ko ang nakatuping papel sa loob. Alam ko wala pa itong kasiguraduhan ngunit gusto kong malaman kung bakit may birth certificate ni Monique sa bahay namin. Palagi ko na itong dala kahit saan ako magpunta simula nang makuha ko iyon.
Marahan ko iyong binuklat, itinaas na saktong makikita nito iyon nang malinaw. Tinunghayan ko si mommy. Kitang kita ang panlalaki nang mga mata nito habang nakatitig sa papel na hawak ko. Napatakip ito sa bibig at marahas na napasinghap.
"Bakit kayo may birth.... certificate ni..... M-monique?"
Narinig ko ang hagulhol ni Tita Kelly. Naiyak akong muli.
"Mommy, please sagutin mo ako. I won't judge you or hate you. I love you and you know that. Mahal ko kayo ni daddy.", tinitigan ko si mommy at si daddy na ngayo'y nasa tabi na namin. "Araw-araw nagpapasalamat ako dahil kayo ang ibinigay ni God sa akin na maging pangalawang magulang ko. Hindi niyo ipinaparamdam sa akin na iba ako, na hindi niyo ako tunay na anak, dahil sobra-sobra pa ang ipinaparamdam niyo sa akin. Hindi ko naramdaman na ampon lang ako dahil araw-araw, minu-minuto ipinaparamdam niyo sa akin na mahal niyo ako, and I am forever grateful sa inyo ni dad. Please gusto ko lamang malaman ang totoo mommy, daddy."
Naiiyak na rin si daddy habang yakap nito si mommy.Belongs to (N)ôvel/Drama.Org.
"Totoo.", bungad ni mommy.
Huminga ito nang malalim bago nagpahid nang mga luha.
"Ikaw si Monique."
Kahit may kutob na ako, na-shock pa rin ako. Narinig ko ang pagsinghap nang mga tao sa paligid.
"No! She is not. Ako si Monique, tita Janice. Ako lang. Let me go, ano ba?", sigaw muli ni Lina.
"No! Tumigil ka na Lina. Stop this nonsense."
"But---."
"Ikaw ang nawawalang si Monique. Ang anak nila Kelly at Miguel."
Nagkislapan ang mga camera at patuloy ang media sa pag video.
"Paano si Lina? Akala ko siya si....."
"Lina is my niece, anak siya nang kapatid kong bunso."
Ngayon malinaw na sa akin kung bakit casual lang siya makipag-usap kela mommy at daddy. She knew everything.
"Nagkaroon nang sunog noon sa mansion nang mga Dela Vega.", tumitig ito sa akin. "Iyong palagi mong napapanaginipan the little girl in the middle of the dark, it was you, Patty, at kami nang daddy mo ang may kagagawan nang sunog na iyon. That's not intensional, nataranta na ako nang may katulong na nakakita sa amin."
Nagsimula itong umiyak. Nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa mga balikat ko.
"B-bakit niyo nagawa 'yon?", patuloy sa pagluha na tanong ko.
All this time niloko lang nila ako. Naniwala akong totoong inampon lang nila ako dahil hindi sila mag-kaanak ni daddy Patrick. Na ako yung nagustuhan nilang ampunin sa ampunan.
"But please, baby. Don't hate us. Totoong minahal ka namin. Totoong hindi kami magkaroon nang anak nang daddy mo kaya kami na lang din ang umampon sa 'yo. Noong una ang plano lang namin ay ihiwalay ka sa mga Dela Vega at dalhin ka sa ampunan, pero...", huminto ito at hinawakan ang tigkabilang pisngi ko. "Hindi ko alam kung bakit ayaw na kita bitawan noong kalong kita at natutulog sa mga bisig ko. You look so cute and adorable and innocent that time. Hindi ko maatim na may ibang mag-aalaga sa 'yo. I want you to be my daughter."
Masakit, sobrang sakit. Alam ko sa puso ko na totoo ang sinasabi niya pero mali pa rin ang ginawa niya, nila ni dad. Alam kong minahal talaga nila ako na para nilang totoong anak.
"Nagawa lang namin ang mga bagay na iyon dahil akala namin sinadya nila Kelly at Miguel na malugi ang negosyo namin. I don't know, nagdilim na ang paningin ko, naiinggit pa ako dahil bakit sila maganda ang takbo nang negosyo, may mga anak na matagal na naming hinihiling sa panginoon at parang walang problema sa mundo. I hated that na makitang masaya si Kelly dahil siya nahanap na niya ang masayang buhay at kompletong pamilya na pinangarap naming sabay noong mga bata pa kami. Huli ko nang narealize na mali ang mga nagawa namin ni Patrick. Tuwing titingin ako sa 'yo, araw-araw akong humihingi nang kapatawaran sa diyos. You're so pure and innocent at hindi ka dapat nadamay sa pagitan namin ngunit wala na akong nagawa. I'm sorry Patty, I am really sorry baby, anak. Sana mapatawad mo ako, kami nang daddy Patrick mo."
Nagulat ako nang lumuhod ito sa harapan ko habang humahagulhol.
"Mommy, please get up. Huwag mong gawin 'yan. Tumayo ka na po."
Hindi ko magawang magalit sa kanila kahit sobrang sama nang ginawa nila.
"Please, damputin niyo na sila. Sa prisinto na lang tayo magkita-kita.", anunsiyo ni Tito Miguel at sinenyasan ang mga pulis. Naalarma sila mommy at daddy kasama si Lina.
"Patty, please ayokong makulong. Humihingi ako nang pakiusap. Babawi ako, kami, huwag niyo lang kami ipakulong." Umiiyak na pakiusap ni mommy habang nakaluhod pa rin sa sahig sa harapan ko at pinagkikisskiss ang mga palad. Parang binibiyak ang puso ko habang nakikita ang ganitong eksena, na nagkakaganito sila mommy.
Lumapit ako sa mga Dela Vega. Kitang-kita ang pangungulila sa mga mata nila habang marahan akong lumalapit.
"Alam kong kalabisan na po itong sasabihin ko pero please....", lumuhod ako at narinig ko ang pagsinghap nila pati nang mga tao sa paligid. Napatakip pa nang bibig si Tita Kelly habang umiiyak pa rin.
"Patty anong ginagawa mo?", gulat na tanong ni Kuya Renz. Maging ito ay umiiyak na rin.
"Please po, huwag niyo na ipakulong sila mommy."
"Patty!", rinig kong marahan na turan ni mommy Janice.
"Ako na po ang humihingi nang tawad sa mga nagawa nila. Alam kong walang kabayaran iyon at hindi magagawang burahin nang paghingi ko nang kapatawaran ang nagawa nila sa pamilya niyo..... pamilya 'natin' pero naging mabuti po silang magulang sa akin. Itinuring nila akong totoong anak. Hindi nila ako pinabayaan. Sa totoo lang sobra-sobra pa ang ginawa nila. Mahal na mahal ko po sila."
Narinig ko ang ilang yabang papalapit sa akin. Naramdaman ko na lang na niyakap ako nila mommy Janice at daddy Patrick.
Walang ni sino ang nagtangkang magsalita o kumilos man lang. Puro iyak at hagulhol lang ang maririnig sa paligid.