Chapter 10
Chapter 10
Ten years later…
“DO you want me to give you the best advice of all? Then I would. Lea, stop cheating.”
Gulat na napalingon si Lea sa katabing si Timothy matapos marinig ang mga sinabi nito. Sa pagdaan
ng panahon ay ang binata na ang nagsilbing pinakamatalik na kaibigan niya. Hindi niya inakalang ang Property of Nô)(velDr(a)ma.Org.
kliyente niya na iniwan niya pa noong unang date nila ay isa palang obstetrician at siya pa palang
magpapaanak sa kanya. Ito rin ang isa sa mga naging ninong ni Janna, ang kanyang munting
prinsesa.
Nasa kotse na sila ni Timothy nang mga sandaling iyon at nasa tapat na ng bahay niya. Pero hindi niya
makuhang bumaba. Hindi dahil sa malakas ang buhos ng ulan sa labas. Kundi dahil sa simpleng
katotohanang hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang anak matapos ng mga nalaman.
Ikakasal na si Jake. Kung hindi pa dahil sa tito Raphael nito na aksidenteng nakita niya nang umagang
iyon sa isang restaurant kung saan siya nakipag-meet sa isa sa mga kliyente niya ay hindi niya pa
matutuklasan ang bagay na iyon. Dahil kahit ang assistant ng binata ay walang sinasabi sa kanya sa
tuwing nagkikita sila. Malinaw na umiiwas si Jake na ipaalam ang bagay na iyon sa kanya.
Kulang isang linggo na lang ay ikakasal na ang binata. Dapat ay hindi niya na ikagulat iyon. Nang huli
niya itong makita ay mukhang napakasaya nito sa piling ng isang babae. Ihahatid niya sana ang
naglalambing na anak sa opisina ng Daddy nito pero namataan niyang may ibang kasama si Jake sa
corridor pa lang papunta sa opisina kaya hindi na sila natuloy ng anak. Ni minsan ay hindi niya pa
nakitang naging ganoon kasaya ang binata. Puno ng kislap ang mga mata nito noong araw na iyon.
Habang si Lea ay ganoon pa rin. Madalas ay halos isumpa niya na rin ang sarili. Nagagalit na rin siya
sa puso niya. Dahil sa kabila ng mga ginagawa ni Jake, ang pangalan pa rin nito ang isinisigaw ng
tatanga-tangang puso niya. Nagkaroon siya ng boyfriend, si Alexis, ang may-ari ng architectural firm na
pinagtatrabahuhan niya. But they were like the buildings that they design. Pinaghirapan man nilang
buuin ang relasyon nila ay hindi pa rin iyon sapat para magtagal dahil napakarami niyong butas.
Dahil… pareho lang sila nito. Mga tangang naghahanap ng mapagbabalingan dahil hindi makuha-kuha
ang mismong mga taong totoong minamahal, mga tangang na-in love sa mga best friend nila. Dahil
kay Alexis ay nakilala niya si Diana, ang best friend nito na siya ngayong pakakasalan ni Jake.
That was how twisted their fate was. Damn fate.
“For ten years, you’ve been cheating yourself every single day, telling yourself that you’re happy. Be
yourself, Lea. Stop cheating. Ngayon ko lang ito sasabihin sa ‘yo. Kung gusto mo pang lumaban, sige,
lumaban ka. Pero utang na loob, huling laban mo na sana ‘to. Kung hindi pa rin maganda ang
kalabasan nito pagkatapos, tumigil ka na.”
Nangilid ang mga luha ni Lea sa narinig. Nag-iwas siya ng mga mata kay Timothy at humarap sa
bintana sa gawi niya. Tinanaw niya ang dalawang palapag na bahay na siya mismo ang nag-design
para sa kanila ng anak.
Lea was now on the top. But she felt… so awfully low. Matunog ang pangalan niya sa sirkulong
ginagalawan niya. Hindi niya na mabilang ang mga sikat na personalidad na nagkaroon ng mga bahay
na siya mismo ang nagdisensyo. Mula sa referral ng mga iyon ay dumami pa nang dumami ang mga
naging kliyente niya. Kung tutuusin ay totoo ang parating sinasabi ni Alexis na sa kalaunan ay bumalik
sa pagiging kaibigan niya. Tutal ay doon naman sila nagsimula bago pa man sila tumalon sa mas
malalim na lebel.
“Kayang-kaya mo nang magsolo, Lea.” Nakangiting sinabi pa ni Alexis. “You’ve proven yourself
already. Malulungkot ako kapag nawala ka sa firm ko lalo na at ikaw ang pinaka-in demand pero
siyempre ay matutuwa ako para sa ‘yo.”
Malaki na ang ipon ni Lea. Sa bank account niya lahat dumideretso ang mga kinikita niya mula sa
pagtatrabaho. Dahil sustentado ni Jake ang kanyang anak. Mula sa mga pangangailangan nito
hanggang sa pag-aaral. May dalawang kasambahay na rin sila na si Jake na mismo ang kumuha at
isang chef. Hindi niya na iyon natanggihan simula nang manganak siya dahil hirap pa siya noon kung
kumilos. Hanggang sa tumagal na ang mga iyon sa kanya lalo na at kailangan niya rin ng mga iyon
para may mapagkakatiwalaan siyang susundo at magbabantay sa anak kung sakali mang mahuli siya
ng pag-uwi.
Pero si Jake pa rin ang lumalabas na direktang amo ng mga ito. Ang pasweldo at panggastos sa
bahay na nang hindi niya tanggapin mula sa assistant ni Jake ay ipinakuha ng binata sa mga
kasambahay at chef na dahilan kung bakit hindi sila nauubusan ng stocks.
Kung gugustuhin ni Lea ay makakapagtayo na rin siya ng sarili niyang firm. At iyon na sana ang plano
niya. Huling project niya na sana ang gagawin pagkatapos ay magre-resign na siya. Pero matapos
nang nabalitaan, nag-aalinlangan na siya kung magagawa niya pa ba nang maayos ang magiging
trabaho niya kung sakaling magbubukod siya. Napakalaking hakbang niyon. Dahil parang isang
panibagong buhay ang sisimulan niya.
Pero nagdududa na siya ngayon. She was too shattered to even think of a new beginning.
Mabibilang sa daliri kung ilang beses lang tumapak si Jake sa pamamahay niya. Madalas ay parating
pa lang si Lea mula sa opisina, ito naman ay pauwi na mula sa pagbisita sa anak. Matapos ng
simpleng kumustahan ay aalis na rin ito. Hindi na sila nagkaroon pa ng pagkakataong makapag-usap
ng personal. Ang tungkol kay Janna ay sa assistant na nito inaalam o kaya ay ang anak na nila ang
mismong tumatawag rito at ipinapaalam ang tungkol sa grades nito o activities sa school. Tuwing
birthday ng anak nila o ni Jake ay nag a-out of town silang tatlo dahil na rin sa request ng anak. But
they both never took a moment to talk. Even for a while. Lagi itong umiiwas.
From best friends, they became strangers. Completely.
Tuluyan nang umagos ang mga luha ni Lea nang maalala ang panganganak niya. Siya lang mag-isa
noon. At takot na takot siya. Hindi niya ma-contact si Jake pati na ang assistant nito. Ang mga
magulang niya ay iniwasan rin ang mga tawag niya. Ang doktor niya lang ang naging sandalan niya. Si
Timothy pa ang sumundo sa kanya matapos niyang tawagan noong nagli-labor na siya. Dumating si
Jake kinabukasan na. Noon niya lang nalaman na nasa ibang bansa pala ito para sa kung anong
business conference kasama ang assistant nito.
“My baby…” Naglaro sa isip niyang namamaos na sinabi ni Jake nang maabutan siyang karga ang
kanyang anak. “C-can I… h-hold her?”
Sa halip na sumagot ay pinakatitigan ni Lea ang binata. “Alam kong hindi mo ako mahal. Pero ‘wag mo
naman sanang idamay pati ang anak ko, Jake.” Emosyonal niyang sinabi pagkaraan ng mahabang
sandali. Halos masiraan siya ng bait sa panganganak. Wala siyang nakapitan. Wala si Jake. At
hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapatawad ng mga magulang.
“I’m sorry.” Bumakas ang matinding pagsisisi sa mukha ng binata. “Hindi ko na tinapos ang conference
dahil nag-aalala rin ako na baka anytime ay manganganak ka na. I’m really sorry, Lea. I should have
been there-“
“But you were never there, Jake.” Pumiyok ang boses ni Lea. “From the beginning, you were never
there. Did you even stop for a while to remember that I have no one except you?” Pumatak ang mga
luha niya. “Itinakwil ako ng mga magulang ko. At naiintindihan ko iyon. That was the price I had to pay
for love. But you were proving to be so… unworthy. Ano’ng nangyayari sa ating dalawa, Jake?
Ipaunawa mo naman sa akin, please.”
Nag-iwas ng mga mata ang binata. “Minahal mo ako. Iyon ang nangyari.”
“LEA?”
Nahinto si Lea sa pagbabalik-tanaw nang marinig ang nag-aalalang tanong na iyon ni Timothy. Hindi
na nag-isip pang bumaba siya ng kotse ng binata. Pero sa halip na pumasok na sa gate ay nanatili
lang siya sa labas at sinalubong ang malakas na ulan.
Napahawak siya sa kanyang dibdib na para bang bibigay na nang gabing iyon. Matapos niyang
malaman na ikakasal na si Jake ay nagpunta siya sa bahay ng mga magulang. Parati siyang
nagpupunta roon pero hindi siya nagpapakita sa mga ito.
Hindi niya na kayang magpakita. Lalo na ngayong mukhang kahit na kailan ay hindi niya na magagawa
pang ipakilala ang ama ng kanyang anak sa mga ito. Iilan lang ang nakakaalam na may anak na sila ni
Jake. At hindi kabilang ang mga ito. Kahit si tito Raphael ay hindi iyon alam.
Sa tuwing nahihirapan na si Lea, gaya ng dati ay natatagpuan niya na lang ang sariling nasa tapat ng
bahay nila sa probinsya. Pero nakita siya ng ama kanina. Papasok sana ito sa bahay nila nang mga
oras na iyon. Matapos siya nitong titigan ay para bang walang nakitang binuksan nito ang gate at agad
na isinara din iyong muli bago pa man siya makapagsalita. Dere-deretso na itong pumasok sa loob.
And Timothy showed up. Nang tawagan niya ito ay dumating ito. Wala nang tanong-tanong pa. Basta
sinundo lang siya.
Kahit paano ay maswerte pa rin siya. Hindi niya lang basta kaibigan si Timothy. Maaasahan din ito
pagdating sa anak niya na para bang nagsilbing pangalawang ama na ng bata. Inabot na sila ng
madaling-araw sa pagbiyahe. Pero heto pa siya. Parang basang sisiw.
Sa pagkagulat ni Lea ay lumabas rin si Timothy ng kotse nito. Gaya niya ay wala rin itong payong.
Dere-deretso itong lumapit sa kanya. Hindi na ito nagsalita. Basta tumingala na lang ito at sinalubong
rin ang ulan. Sa loob ng ilang sandali ay tahimik lang sila roon.
Ganoon parati si Timothy. Hindi siya nito kahit kailan pinuwersang magsalita. Hindi rin nito pinuwersa
ang presence nito sa buhay nilang mag-ina. Bigla na lang iyong nangyari. Sa tuwing nagkakaproblema
siya, ito na ang unang naiisip niyang tawagan o puntahan. Hanggang sa nakasanayan niya na.
Mayamaya ay napahikbi si Lea. Inabot ni Timothy ang kamay niya. Napatingin siya rito. Once again,
his eyes looked at her as if he really understood what she was going through. Ibinukas nito ang isang
braso sa kanya. Lumuluha pa ring pumaloob siya roon.
“I honestly don’t know why you stick around with a silly woman like me, Tim. But thank you for
everything. Pero sana ay hindi ka na nagpakabasa pa rito at sumama sa kabaliwan ko. Paano kapag
nagkasakit ka? Wala na ‘kong sandalan.”
“Silly.” Gumanti ng yakap ang binata. “Ang tunay na kaibigan, sasamahan kang mabasa sa ulan.
Sasamahan ka sa mga kabaliwan mo. Sasamahan kang… masaktan.”
Kahit paano ay napangiti si Lea sa narinig. Nang bumukas ang gate mayamaya ay naghiwalay na rin
sila ng binata. Nasorpresa pa siya nang makitang si Jake pala ang mismong nagbukas niyon. Nakatitig
ito sa kanya dala ang isang malaking payong na kakasya para sa dalawang tao o higit pa. Lumapit ito
sa kanya at ipinaibabaw sa mga balikat niya ang isang tuwalya. Tangkang hahawakan pa siya nito
nang umiwas siya. Sinenyasan niya si Timothy na pumasok pero umiling ito at dumeretso na sa kotse
nito. Napatango na lang siya bago nilampasan si Jake at nauna na sa loob ng bahay.
“Kung lalabas ka pala kasama ng boyfriend mo, you should have at least, informed our daughter-“
Nahinto sa pag-akyat sa hagdan si Lea nang marinig ang pangangastigo sa likod ng boses ni Jake.
Puno ng sama ng loob na nilingon niya ito. “Ngayon lang ako hindi nakapagpaalam sa anak ko, Jake.
Kaya sa kanya lang ako magpapaliwanag. ’Wag kang magsalita na para bang mabuti kang ama.
Nakakainsulto.” Aniya bago tuluyan nang umakyat.
Tumuloy si Lea sa kwarto niya. Mabilis siyang naligo at nagpalit bago nagpunta sa kwarto ng anak.
Maingat siyang tumabi ng higa sa natutulog pang anak na para bang naalimpungatan.
“Mommy? I’m glad you’re home.”
Niyakap niya ang anak. Isinubsob niya ang mukha sa buhok nito kasabay ng muling pag-iinit ng mga
mata. “Mommy is so tired, sweetheart. Can you sing for me, please?”
Gumanti ng yakap ang anak. “Ang sabi ni Daddy, parati daw kitang yayakapin nang ganito kahigpit.
Parati rin daw akong mag a-I love you sa ‘yo lalo na kapag napapagod ka. I love you, Mommy. Narinig
ko itong song na ito once sa program namin. Tinandaan ko ‘yong lyrics so I could sing it to you
because you always ask me to sing for you, Mommy.” Malambing pang sinabi ng anak bago niya ito
narinig na umawit mayamaya. “God will make a way when there seems to be no way. He works in
ways we cannot see. He will make a way for you. He will be your guide, hold you closely to His side.
With love and strength for each day, He will make a way… for you.”
I really hope that He will, sweetheart. Naisaloob ni Lea kasabay nang tuluyan ng paglandas ng mga
luha.