Chapter 16
Chapter 16
“ILANG linggo ko na rin ‘tong iniisip. I could’ve fought for Diana. But I didn’t. Before she came to me at
Janna’s hospital room, a part of me was already prepared to let her go. At sa araw-araw na nakikita ko
kayo ng anak ko, napapatanong ako sa sarili ko. Nagsisisi ba akong hindi natuloy ang kasal? I would
look at you and then at Janna and my heart would immediately say no. Nasaktan ako at aaminin kong
nasasaktan pa rin ako pero hindi ako nagsisisi, Lea. I don’t regret being with you and our daughter
now. I can’t possibly regret something that is making me happy.”
Nag-init ang mga mata ni Lea lalo na nang mabakas ang katotohanan sa mga mata ni Jake. Sa
liwanag na nagmumula sa poste hindi kalayuan sa kanila ay hindi nakaligtas sa kanya ang pamamasa
rin ng mga mata nito. Tumagilid ito sa kanya at inabot ang mga kamay niya. Marahan nitong hinagkan
ang mga iyon.
“Jake…”
“I miss you, you know. Terribly. Araw-araw ko na yata ‘tong sinasabi sa ‘yo.” Bahagyang natawa ang
binata. “Dahil araw-araw kahit kasama kita, nami-miss kita. Hindi kita maabot kahit na anong gawin ko.
I miss the way you call me like that. I miss the way you look at me, the way you smile at me. I miss
everything about you. Lea, pwede bang… pwede bang magsimula tayo ulit? Ayusin pa natin ito. There
could still be hope.”
Lumuluhang napatango si Lea. “I miss you, too, Jake. I miss you so much. And yes, there could still be
hope, after all.”
Agad na niyakap siya ng binata na sa pagkakataong iyon ay ginantihan niya rin ng mahigpit ring yakap.
Napatingala siya sa kalangitan kasabay ng matamis na pagngiti.
Mabubuo na ang pamilya niya. Sa wakas.
MASAYANG pinagmasdan ni Lea ang kanyang mag-ama na kasalukuyang naglalaro sa swimming
pool. Gumuhit ang kuntentong ngiti sa mga labi niya nang marinig ang malakas na pagtili ng anak na
nakikipagsabuyan ng tubig sa ama nito. Pero hindi nagtagal ay sa kanya naman tumutok ang mga
mata ng mga ito.
Napaatras si Lea nang makita ang halos sabay na pag-ahon ng mag-ama. Parehong may malokong
kislap sa mga mata ng mga ito. Natatawang napailing siya nang lumapit ang mga ito sa kanya. Itinuro
niya ang iniihaw na karne. “Mamaya na ako. Tatapusin ko na muna ‘to.”
Tinawag ni Jake ang kasambahay nila at binilinang ito na ang mag-ihaw.
“But I want to personally do that-“
“Oh, come on, Lea. You have all the time in the world to grill for us.” Natatawang sinabi pa ni Jake bago
siya nito biglang binuhat. Natatawa ring napatili siya nang mabilis na nanakbo ito papunta sa swimming
pool kasabay ng pagtalon nito habang buhat pa rin siya. Narinig niya ang malakas na pag-cheer pa sa
kanila ng anak.
Nang makaahon sa tubig ay sandali pang nasilaw si Lea sa flash ng camera ni Janna na sunod-sunod
ang naging pagkuha sa kanila ng picture ng ama nito. Naiiling na napangiti siya kasabay ng paglingon
kay Jake na nahuli niyang nakatitig sa kanya. There was fire in his eyes. And God… she couldn’t
believe how much she yearned for that fire. Dahil napakatagal na simula nang una at huling makita
niya iyon.
Malakas na napatikhim si Lea. “Jake, I-“
Pero bago pa man siya makapagsalita ay tinawid na nito ang natitirang distansiya sa pagitan nila.
Naipikit ni Lea ang mga mata kasabay ng pagsalubong sa maiinit na halik nito. For the first time, he
was kissing her and he was aware of it. Hindi na siya nito naipagkamali sa iba. Para sa kanya na
talaga ang halik na iyon.
Pumatak ang kanyang mga luha. Jake’s lips will always be the ones she wouldn’t mind kissing forever.
She welcomed that kiss. She welcomed passion back in her life.
NAPAHINTO sa pagpasok sa pool area si Timothy nang masalubong niya si Janna na galing naman
roon. Bibisitahin niya sana ang mag-ina. At doon siya itinuro ng mga kasambahay. Huminto rin ang
bata at mabilis na nagmano sa kanya. Hindi maikakaila ang kislap ng kasiyahan sa mga mata nito.
“Hello there, honey.” Bahagyang ginulo niya ang buhok ni Janna. “You’re glowing. Did something good
happen?”
Humagikgik ang bata kasabay ng pagturo nito sa swimming pool. Kumunot ang noo ni Timothy bago
sumulyap roon. Natigilan siya nang sa wakas ay matanaw si Lea. Pero hindi ito nag-iisa. Kasama nito
si Jake. They were… kissing.
Mabilis na napatalikod siya. Sa kabila ng paninikip ng dibdib ay humarap siya kay Janna at pilit na
ngumiti rito.
“I brought your favorite ube cake. Nasa kitchen na. Magbihis ka muna at saka ka kumain. Pakisabi na
lang sa Mommy mo na… dumaan ako.” Hinalikan niya ang bata sa noo bago siya nagmamadali nang
lumabas ng bahay ng mga ito.
Nang makarating na sa kotse ay hindi kaagad niya nagawang makapag-drive. Masaya siya para sa
mag-ina. Pero nagluluksa siya para sa puso niya. Iba pa rin pala ang epekto na makitang magkasama
na ang dalawa. Malakas na tinapik niya ang dibdib.
“Tama na, Timothy. Maayos na sila. Panahon na siguro para ayusin mo na rin ang sarili mo.” Parang
baliw na pagkausap niya sa sarili. “They are now happy.” Namasa ang mga mata niya. “That’s all…
that matters, right?”
NAIPIKIT ni Lea ang mga mata nang bumagsak sa sahig ang kahuli-hulihang saplot niya. Kasunod
niyon ay naramdaman niya ang maingat na pagbuhat sa kanya ni Jake papunta sa kama. Muling
pumatak ang kanyang mga luha nang maramdaman ang mumunting halik ng binata sa kanyang noo,
sa mga talukap, sa tungki ng kanyang ilong at mga pisngi. Tinuyo nito ang kanyang mga luha kasabay
ng mabilis na paghalik sa kanyang mga labi.
“Open your eyes, Lea.” Masuyong bulong nito.
And she did. “I love you, Jake.” Hindi niya napigilang sinabi.
Tatlong buwan. Tatlong buwan na siyang parang sasabog sa saya. Ni hindi niya inakalang posible pala
na maging masaya nang ganoon sa piling ni Jake. Bawat araw ay parang bagong simula sa pagitan
nilang tatlo ng anak. Marami na silang mga bagay na nagagawa nang magkakasama. Tinupad ni Jake
ang mga pangarap niya. May mga pagkakataon pang magkakasama silang nagluluto at nagkukulitan
sa kusina pagkatapos ay saka sila magpi-picnic sa labas.
Dalawang buwan na rin ang lumipas mula nang bumalik si Jake sa pagtatrabaho. Pero hindi
nabawasan ang oras nito para sa kanilang mag-ina. Naramdaman niyang totoo ngang bumabawi ito.
Ito ang naghahatid kay Janna sa eskwela. Pagdating ng hapon ay magkasama na ang dalawa na
susundo sa kanya sa opisina.
Sa susunod na linggo ay plano na nilang humarap sa kanyang mga magulang. Finally, she can tell her
parents about Jake. Sa susunod na taon ay gusto na rin ng binatang maikasal sila.
“If you love me then why are you crying?”
“I’m just happy.” Simula nang magkasundo sila ni Jake noon ay naging mas open na siya sa
nararamdaman para rito. Masaya si Lea na finally ay malaya niya nang nasasabi na mahal niya ito.
Kadalasan ay ngumingiti ito sa kanya sa tuwing naririnig iyon. He would look at her with that glitter in
his eyes and then he would kiss her as passionately as he could. At kuntento na siya roon. Nakahanda
siyang maghintay na matutuhan rin siya nitong mahalin. Sapat na sa kanya ang kaalamang may space
na rin siya sa puso nito, gaano man kalaki o kaliit iyon.
“Me, too, Lea. Me, too.” Ani Jake kasabay ng pagngiti nito. Muli ay umabot iyon sa mga mata nito.
Hinaplos niya ang mga pisngi ng binata. Siya na ang naunang humalik rito, halik na nauwi sa muling
pagsuko niya rito hindi lang ng kanyang sarili kundi ng kanyang buong puso.
“DIANA…”
Natigil sa tangkang paghalik si Lea sa mga labi ni Jake nang marinig ang ibinulong nitong iyon sa gitna
ng pagtulog nito. Nanigas siya. Ginusto niyang gisingin ang binata pero hindi niya magawa dahil bigla
ay nanginig ang mga daliri niya. Ilang ulit siyang napabuga ng hininga para alisin ang namuong
tensiyon sa kanyang dibdib pero wala pa ring nangyari.
“J-Jake,” Namamaos na sinabi ni Lea nang matagpuan ang boses. “N-nagkamali lang ako ng… r-rinig,
‘di ba? We’ve just made love. You can’t possibly be thinking about someone else afterwards. Lea
talaga ‘yon, ‘di ba? ‘Yon talaga ang sinabi mo.”
“Diana…” Muli ay paungol na sinabi ni Jake kasabay ng pagguhit ng matamis na ngiti sa mga labi nito.
Napaatras si Lea sa kama kasabay ng tuluyang paglandas ng mga luha niya. Patuloy siyang umatras
hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Nanakit ang kanyang pang-upo at mga binti pero hindi niya iyon
ininda. Dahil wala pa ring mas sasakit pa sa puso niya na para bang binibiyak sa bawat segundo.
Noon naalimpungatan si Jake. Nanatili lang siyang nakamasid rito nang kapain nito ang isang bahagi
ng kama kung saan siya kanina nakahiga. Nang walang makita ay dumilat ito. Bumangon ito at para
bang nagulat nang makita siya sa ibaba. Agad na nilapitan siya nito. “What’s wrong?”
“Everything is wrong, Jake.” Nanginginig pa ring itinulak ni Lea ang binata. Naihilamos niya ang mga
palad sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay nangangapal ang mga iyon na para bang sinampal
siya. Kung sana nga ay ganoon lang ang naranasan niya. Pero higit pa roon ang pagragasa ng sakit sa
puso niyang akala niya ay pahilom na. Pero hindi pala. Dahil nagdurugo pa rin iyon. At mas matindi pa
dahil nadagdagan ang mga sugat. Content is property © NôvelDrama.Org.
“For the past years, I had no time to forget you even if I wanted to.” Garalgal ang boses na sinabi ni
Lea mayamaya. “Because whenever I look at Janna, I see you. Sa tuwing tinitingnan ko siya,
nahihirapan akong panindigan na galit ako sa ’yo. Nahihirapan akong panindigan na gusto na kitang
kalimutan. Nahihirapan akong panindigan na hindi na kita mahal. She looked exactly like you, Jake.
And every single time that she says she love me, I close my eyes and imagine it was you saying that to
me.”
“Lea-“
“Mahal kita. Mahal na mahal kita kaya nga hinayaan lang kita sa kung ano ang gusto mo. Kaya nga
hindi ko na ipinagpipilitan ‘yong sarili ko sa ‘yo. Because I wanted you to be happy, Jake. Ako na nga
ang lumalayo, ‘di ba? Pero lumapit ka.” Bahagyang dumiin ang boses ni Lea. “At sinabi mong gusto
mong sumubok. And I was the happiest woman in the world just because of that. Ang babaw ko, ‘no?
Gano’ng linya lang pero ang saya-saya ko na. Pero kung gaano mo pala ako kadaling mapasaya,
gano’n mo rin ako kadaling saktan.” Nanlalabo ang mga matang humarap siya kay Jake. “I just heard
you whisper Diana’s name twice in your sleep.”
“Lea-“
“Umamin ka nga sa ‘kin. Si Leandra pa rin ba ang nakikita mo sa akin hanggang ngayon kaya hindi mo
ako magawang mahalin?” Nanginginig ang mga kalamnang lumapit si Lea kay Jake at inabot ang
batok nito. Mariing hinagkan niya ito sa mga labi. “Can your sister do this?”
Sumunod na inabot niya ang mga kamay ng binata at inilagay sa kanyang mga dibdib. “I am Lea. Treat
me like Lea! O kahit tulad na lang ni Diana, Jake. Kung hindi mo ako makita bilang si Lea, kahit tingnan
mo na lang ako bilang si Diana. Pwede naman akong maging substitute ng babaeng mahal mo. ‘Wag
mo lang akong gawing substitute ng namatay na kapatid mo. Hindi ko na kaya ‘yon. Pretend that I’m
Diana instead, pretend that you love me. I can be like her, Jake.” Nakikiusap nang dagdag ni Lea.
“Florist si Diana, ‘di ba? Kung gano’n, mag-aaral akong magtanim, mag-aaral akong mahalin ang mga
bulaklak. Ano pa ba’ng kailangan kong gawin? Magpapa-plastic surgery ba ako-”
“Stop it!”
Binawi ni Jake ang mga kamay nito sa kanya pero hindi siya sumuko. Lumuhod siya sa harap nito at
mahigpit na humawak sa pajama nito. “Kabaliwan na kung kabaliwan. Pero kahit tatlong minuto lang. O
kaya kahit isang minuto, mahalin mo naman ako, Jake. Ako naman, please.”
Nagtaas na ito ng boses. “Tumigil ka na, Lea!”
Napasigok siya. “Ikaw… kailan ka kaya titigil na saktan ako? Maawa ka naman sa ’kin. I want you to
need me, yes. But I don’t want you to need me like this. Halos magmukha na akong babaeng parausan
para sa ’yo. Ayoko rin nito. Ayoko ng ganito. Dahil hindi naman ako ganito.” Gumalaw ang mga balikat
ni Lea sa paghikbi. “Pero nang minahal kita, lahat, kinalimutan ko na. At natatakot ako. Na baka kapag
nagpatuloy pa ‘to, lalo akong mawala sa sarili ko. Kasi sa ’yo na umikot ang mundo ko. Hindi ko na
kilala kung sino ako sa tagal kong naging si Leandra para sa ’yo. Gusto ko namang mabuhay bilang si
Lea. Kahit ngayon lang. Ayoko na. Gusto ko nang bumalik sa dating ako. Pero hindi ko na alam kung
paano.”
Mayamaya ay parang nasisiraang napatitig si Lea sa suot. Natawa siya nang sa wakas ay mag-sink in
sa isip niyang kahit pala sa pantulog ay style at paboritong kulay pa rin ni Leandra ang gamit niya.
Ganoong-ganoon ang gusto nito. Kahit ang suot niyang kwintas ay pangalan na Leandra rin ang
nakalagay na pendant.
Sinikap niyang tumayo. Lumapit siya sa aparador at binuksan iyon para kumuha ng ibang damit.
Natigilan siya nang makitang ang mga naroon ay ang mga iniregalo pa sa kanya ni Jake, ang mga
damit na kagaya rin ng mga isinusuot ni Leandra. Iyon mismo ang ginagamit niya sa trabaho. Iniikot
niya ang mga mata sa kwarto niya. Kahit ang kulay niyon ay pink na paborito rin ni Leandra.
God… Napasinghap si Lea.
Ayaw na ayaw niyang naihahalintulad kay Leandra pero hindi pala siya nakatakas mula sa anino nito.
Naalala niya ang mga naging pagluluto para sa kanila ni Jake. Ang mga inihahain nitong paborito raw
niya ay paborito pa ring mga pagkain ni Leandra. Pero pilit na binalewala niya iyon noon.
“Lea, I’m sorry-“
“We’ve been best friends for years.” Wala sa sariling bulong ni Lea. “Jake, do you even know my
favorite color?”
“Pink.”
Napatango-tango si Lea kasabay ng muling pangingilid ng mga luha. “I almost believed it’s pink. Dahil
nalimutan ko na kung sino ako. Nalimutan ko na ‘yong mga gusto ko dahil sa ‘yo. Nalimutan ko nang
maging ako. Look at my house. It was Leandra’s dream house. Not mine. Everything in it was her
favorite color. Not mine. I subconsciously created this knowing that this was what you liked, too.”
Napaluhod si Lea sa sahig nang manumbalik sa isip niya ang mga pinaggagawa niya mula pa noon
para kay Jake. Sobra-sobrang pagpapakababa na iyon.
Matalino naman siya. Iyon ang sabi ng mga magulang niya. Nagtapos siya ng kolehiyo nang may
karangalan pero hayun siya ngayon. Totoo palang nakakabobo ang pag-ibig.
Tulalang napahagulgol si Lea… para sa mga pagkakataon na pinilit niyang sumugal at lumaban. At
para sa mga pagkakataon na tulad ngayon na natatalo siya. Na natatalo na naman siya. Tinangka ni
Jake na abutin siya pero umiwas siya.
“Pack your things and leave.” Basag pa rin ang boses na sinabi niya. “Please.”
“But-“
“Do you love me?”
“Lea, I-“
“Do you love me?”
Napayuko ang binata. Higit pa sa sagot iyon.
“Until the very end, you have no mercy, Jake.” Halos padaing nang sinabi ni Lea. “Gusto mo akong
maghintay. Gusto mo akong manatili sa tabi mo. Nang walang rason. Nang wala kahit kapiranggot na
assurance man lang mula sa ’yo. Sana minsan, isipin mo rin iyong puso ko. Hindi lang puro ikaw.”
“Lea, listen to me first-“
“Ayoko na.” Nanghihinang napailing si Lea. “Ayoko nang makinig na naman sa ‘yo. Hindi ko na kayang
umasa na naman. Araw-araw akong nakikipaglaban para sa ‘yo, para sa pagmamahal mo. Pero ayoko
na. Ayoko nang mabuhay ng ganito. Kapag nagpakababa pa uli ako, baka ikamatay ko na. Lalo na
kapag sa huling pagkakataon, durugin mo na naman ako. Tonight, you just killed me again, Jake. You
are that cruel.” Mariing ipinikit niya ang mga mata kasabay ng pagtalikod sa binata. “Umalis ka na,
utang na loob.”
Ilang segundo ang lumipas bago niya narinig ang papalayong mga yabag ni Jake hanggang sa ang
pagsara ng pinto ang sumunod na narinig niya. Dahan-dahan siyang tumayo at ini-lock ang pinto bago
siya muling bumalik sa gilid ng kama at isinubsob ang ulo sa mga tuhod. Gusto niyang mapag-isa at
umiyak lang nang umiyak. Dahil hindi niya iyon nagawa noon. Hindi niya nagawang umiyak nang
matagal, ang indahin ang sakit nang matagal dahil may anak siyang nakamasid sa kanya.
“Anak, sinubukan naman ni mommy.” Patuloy sa pagbagsak ang mga luhang bulong ni Lea sa
kawalan. “But mommy failed again. Mommy always fail. Diyos ko. Bakit ba ang unfair ng pag-ibig sa
akin?” Impit siyang napasigaw. Ngayon na lang siya uli nakaramdam ng sobra-sobrang pagkaawa sa
sarili. “Ang sabi nila, kung kaya kang ibagsak ng pag-ibig, kaya ka ring itaas nito. Pero ako, puro
pagbagsak ang naranasan ko. At mas masakit kasi, each time I fall, I see your dad watching me. And
he never, not even once, thought about catching me.”