Langit Sa Piling Mo (SPG)

Chapter 55: Gulo sa pagitan ng magkakaibigan



NAIHILAMOS ni Khalid ang sariling palad sa mukha nang makaalis na si Joy. Kinakain ng frustration ang sariling isip ngayon dahil sa gumugulo sa kanyang isipan. "Damn! What the hell is happening to you, man?" numura niya ang sarili sa harap ng salamin.

Napatitig si Khalid sa kanyang repliksyon, guwapo pa rin naman siya kahit mukhang tagtuyot mula nang magkaroon siya ng tutor. Gusto niyang suntokin ang sariling mukhang nakikita sa salamin nang makipagtitigan siya sa kaniyang repleksyon. Tila nakakalokong ngumiti ito kahit seryoso naman ang mukha niya. Kung may sariling isip lamang iyon ay baka masabi nito sa kanya na, 'karma mo na iyan sa pagiging manyak. Lalaki lang pala ang katapat mo?' "Fuck you!" ang naisigaw niya kasabay ng pagsipa sa maliit na lamesa. Lumikha iyon ng ingay kung kaya natauhan siya. Napabuntonghininga siya bago inayos ang sarili at nagpasyang lumabas ng silid upang uminum ng tubig. Pagkalabas ay napatigil siya sa harap ng pinto ng bakla. Naikuyom niya ang kamao at mabilis na humakbang upang tumuloy sa kusina. Pagdating doon ay napakunot ang kanyang nuo, walang bakas ng ano man na palatandaang may kuamin doon ng araw na iyon. Muli niyang naihilamos ang palad sa sariling mukha nang maalala na kakain pala sana sila kanina sa labas. Mabilis siyang humakbang at bumalik sa pintuan ng silid ng huli.

"Bakla!" Bakas sa boses niya ang iritasyon habang tinatawag ang lalaki dahil nakailang katok na siya ay walang sumasagot.

"Darn, open the door!" Nauubosan ng pasensya na muli niyang katok sa pintuan. Wala pa ring sumasagot kung kaya napilitan siyang pihitin ang seradura.

"Where the hell is he?" dumoble ang gatla sa kanyang noo nang walang bakla sa silid na pinasukan. "You really want me to make a trouble!" galit na minura sa kanyang isipan ang bakla habang naglalakad pababa ng hagdanan. Hindi na siya gumamit ng elevator dahil ang tagal bumaba ng left mula sa dulo ng building na iyon.

"What's up?" Tanong agad ni Xander ng mapagbuksan ng pintuan si Khalid.

"Is George is here?" Wala ng patumpik-tumpik na tanong ni Khalid sa kaibigan.

"Why, what happ-"

"Never mind!" hindi na ni Khalid pinatapos sa pagsasalita ang kaibigan. Walang paalam na iniwan ito at mabilis na tumuloy sa pad ng isa pang kaibigan. Pahintamad na bunuksan ni Troy ang pintuan nang may kumatok.

"Where is he?" Patulak na binuka ang pagkabukas ng pintuan nang mapagbuksan siya ng kaibigan.

"What the hell, Dude?" Iritadong hinarangan ni Troy ang kaibigan nang tuloy-tuloy ito sa paglapit sa silid kung saan naroon ngayon ang bakla nitong tutor. "Don't block my way!" tiim bagang na sita ni Khalid kay Troy.

"What's wrong with you?" Nangungunot ang noo na tanong ni Troy sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit ang tingin nito sa kaniya ngayon ay isang kaaway. Wala siyang matandaannna nagawang hindi maganda dito. "Kukunin ko lang siya, tapos ang usapan!" Aroganteng sagot niya dito na ikinatawa ng kaibigan.

"Naririnig mo ba ang iyong sarili, man?" sarkastiko tanong ni Troy sa kaibigan habang tumatawa ng mahina, gamit ang kanilang lengwahe. "Mukha kang possessive boyfriend na takot maagawan sa iyong inaasta ngayon." Biglang nagdilim ang paningin ni Khalid at asuntok niya sa mukha ang kaibigan. Na insulto siya sa biro nito sa kaniya. "Watch your mouth, asshole!"

Gulat na nasapo ni Troy ang nasaktang panga dahil doon tumama ang kamao ng kaibigan. Nang mahimasmasan ay galit na gumanti siya dito ng suntok. "Fuck you!"

"Darn! You two, stop punching each other!" Galit na pumagitna si Xander sa dalawang kaibigan na nagsusuntokan. Sadyang sumunod siya kay Khalid nang iwan siya kanina. Inaasahan na niya na may hindi magandang mangyari pero hindi sa ganitong ka brutal na pangyayari. Daig pa ng mga ito ang estranghero sa isa't isa at sanggano sa kalye kung makipag suntokan.

"How dare you, bastard!" Galit na sumugod muli si Khalid upang suntokin ang mukha ng kaibigan na nakangisi sa kanya. Ngunit mabilis na humarang si Xander at patulak siyang inilayo kay Troy.

Itinaas ni Troy ang middle finger sa mukha ng nangangalit na kaibigan. "Idiot! Hindi ka ba nagawang pasayahin ni Joy at para kang asong nauulol ngayon?"

"You son of a bi*ch!" Tinabig ni Khalid ang kamay ni Xander na nakahawak sa kaniyang braso upang mahawakan ang gago niyang kaibigan.

"God-damn it!" namula na ang pisngi ni Xander dahil sa galit at parehong sinipa sa likuran ang dalawang kaibigan na hawak na ang kuwelyo ng damit ng bawat isa.

Gulat na napabangon si Gerlie sa kinahigaan nang makarinig ng kumosyon sa labas ng kanyang silid.

"Oh my, God!" Hiyaw ng dalaga nang makitang nagsusuntokan ang dalawa at pumapagitna si Xander. Hindi niya malaman kung sino ang unang daluhan nang sa wakas ay naghiwalay rin ang mga ito. Parehong putok ang labi ng dalawa at may pasa pa sa mukha si Troy.

"Leave them, lets go!" Matigas na turan ni Xander at hinawakan sa braso si George nang tangkang lalapitan nito si Troy. Kailangan niyang ilayo ito sa dalawa upang walang sumama ang loob kung sino ang unahin nitong daluhan. "No, he will go with me!" Mabilis na humarang si Khalid sa daraanan nila Xander. Wala na siyang pakialam sa kung ano ang isipin ng mga ito sa kanya.

"Gamutin mo muna ang sugat ninyong dalawa bago siya kunin sa akin. Tinatakot mo siya ng husto sa ikinikilos mo ngayon." Mahinahon na wika ni Xander sa kaibigan gamit ang kanilang lengwahe.

Tila naman natauhan si Khalid sa nakikitang takot at pagkalito sa mukha ng bakla ngayon. Hahayaan na muna sana niya ito sa kaibigan pero nang mapansin ang kasuotan nito ay biglang uminit na naman ang kaniyang ulo. "Im fine, Xander, just let us go back to our pad. I promise, I will not do anything to scare him anymore." Pilit nagpakahinahon na sagot niya sa kaibigan.

"Siguradohin mo lang na wala kang gagawin sa kanya na hindi maganda. Ako ang mananagot kay Mark dahil hinabilin siya sa akin ng ating kaibigan." Seryusong banta ni Troy kay Khalid habang pinupunasan ang labi nito na may dugo. "Mag-usap tayong tatlo bukas." Seryosong bilin ni Xander bago tuluyang pinakawalan ang braso ni George.

May pag-aalinlangan na lumapit si Geerlie kay Khalid. Natatakot siya dahil mukhang siya ang dahilan ng pag-aaway ng mga ito sa hindi niya alam na dahilan. Gusto niya sanang lapitan si Troy at tignan ang sugat nito sa labi ngunit umiling ito. Nakakaunawang sumunod na kay Khalid nang hatakin siya nito sa braso palabas. Tahimik ang lalaki habang sakay sila ng elevator, bakas pa rin sa mukha nito ang galit dahil nanatiling nakatiim ang bagang at gumagalaw ang panga dahil sa pinipigil na emosyon.novelbin

"How many times do I have to tell you to not wear like that in front of them?" Basag nito sa katahimikan, nang makapasok sila sa loob sa mahinang tinig ngunit makapangyarihang tono.

Naiyakap bigla ni Gerlie ang dalawang braso sa dibdib. Nawala sa isip na manipis na pajama lamang ang suot niya. Kahit hindi hapit sa katawan at hindi aninag ang kalukuwa niya, natatakot pa rin siya na makitaan at baka malaman nito ang tunay niyang kasarian.

Napabuntong hininga ang binata upang pakalmahin ang sarili. "Did you eat?" naging masuyo na ang tono ng kanyang tanong sa bakla. Muli siyang napabuntong hininga nang umiling lang ito habang nakayuko ang ulo. Itinaas niya ang kamay upang abutin sana ang ulo nito ngunit bigla rin niyang binawi. Kuyom ang kamao na ibinaba ang kamay bago tumalikod at nagtungo sa kusina.

"Ano na ang gagawin ko?" tanong ni Gerlie sa sarili na nanatiling nakatayo kung saan siya iniwan ng binata. Natatakot siyang kumilos nang walang pahintulot ng huli at baka magalit na naman ito sa kaniya. Minabuti niyang manatili roon at hintayin ang paglabas ng lalaki na tumagal halos tatlumpong minuto.

"Are you serious?"

Napapitlag sa kinatayuan ang dalaga nang marining na naman ang galit na baritonong tinig ng among manyak.

"Sir?" wala sa sariling sagot nito sa binata. Awang ang bibig na napatitig siya dito na nakatayo na ngayon sa kanyang harapan at may hawak na tray na naglalaman ng pagkain at gatas.

"Why you're still standing here?" bahagyang napataas ang timbre ng boses na anito sa kaharap. Naiinis siya dahil nanatili itong nakatayo roon ng matagal. Naisip niya na nangalay na ito roon dahil sa paghihintay sa kanya.

"Can I go to my room now?" pilit ang ngiting sumilay sa kaniyang labi upang hindi na magalit sa kaniya ang binata.

Napamura ng mahina si Khalid at napailing bago tumango sa bakla. Mabilis siyang sumunod dito nang patakbo itong pumasok sa silid nito. Nagtaka pa ito nang makita siyang pumasok rin sa silid nito.

"Eat this and drink milk." Muling napaawang ang labi ng dalaga na tumitig sa kanya. Naka rehistro sa mukha nito na tila naengkanto siya sa kanyang pag-alok ng pagkain dito.

"Stop staring and close your mouth," aniya na agad iniwas ang tingin sa huli dahil biglang nag-iba ang pakiramdam sa tuwing nakikita ang labi nito sa ganoong kurba.

Mabilis na itinikum ni Gerlie ang kaniyang bibig at napakurap. Pero nagtataka pa rin siya kung bakit biglang bumait ang lalaki tapos dinalhan pa siya ng pagkain. Para tuloy siyang bata ngayon. Ano nga ba ang nangyari kanina at nagkipag- away ito kay Troy? Then, ngayon naman ay para siyang mahalagang tao na pinagsisilbihan nito na para bang bumabawi sa kasalanan na nagawa nito sa kaniya.

"Eat," mando na ani ni Khalid sa dalaga nang ayaw nitong kumilos. Lihim siyang napangiti nang mabilis nitong dinampot ang kubyertos at sumubo ng pagkain.

Biglang ginutom ang dalaga at hindi na pinansin ang presensya ng lalaki na nanatili sa kanyang silid. Habang kumakain ay naging malikot ang kaniyang tingin at binabantayan ang bawat galaw ni Khalid. Napasunod ang tingin niya rito nang humakbang ito at kumapit sa kaniyang tukador. Nagpatuloy siya sa pagkain at hinayaan itong tignan ang naka display doon na gamit niyang pampaganda sa kaniyang mukha. "Who is this?"

Muntik nang mabulonan si Gerlie nang makita kung ano ang hawak ng binata.

"She's your sister, right?"

Turo ng binata sa kanyang kapatid na katabi niya sa litrato. Nailabas niya iyon kanina dahil nalulungkot siya at nakalimutang ibalik sa pinagtataguan niya. Puno ang bibig na tumango siya bilang sagot sa tanong nito. Pinakatitigan muna ni Khalid ang mukha ng isa pang babae sa litrato bago tahimik na lumabas ng silid.

"Nakilala niya kaya ako?" kinakabahan na tanong ni Gerlie sa kanyang sarili. Mahaba ang buhok niya sa litratong iyon at nakalugay ang kulot niyang buhok na lampas balikat.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.