Kabanata 1
Kabanata 1
Kabanata 1 Ngayon ang araw ng kasl ng Avonsville socialite na si Avery Tate, ngunit walang groom na nagpaparamdam.
Hanggang ngayon, ang groom na si Elliot Foster ay parang gulay pa rin simula nang mangyari ang aksidente at ayaw na ring mangako ng mga doktor at paasahin pa ang pamilya nito, kaya idiniklera ng mga ito na imposibleng makaabot pa siya hanggang sa matapos ang taon.
Kaya naman sa naisipan kanyang nagluluksang ina na ipakasal siya bago pa siya tuluyang mawala.
Isa ang mga Foster sa mga kilalang mayayamang pamilya sa Avonsville, pero wala naman sigurong dalaga mula sa isang socialite na pamilya at nasa tamang pag-iisip ang nanaising magpakasal sa isang taong naghihintay nalang ng kamatayan.
……
Nakaupo sakanyang vanity, suot ni Avery ang isang napaka gandang puting wedding gown na sinabayan pa ng napaka eleganteng makeup, at kahit sinong makakita sakanya ay talagang mapapanganga dahil sobrang ganda niya.
Ngunit sa kabila nito, mababakas sakanyang mapupungay na mga mata ang pagka-aligaga.
20 minutes nalang bago mag umpisa ang ceremony pero hindi mapakaling paulit-ulit na nagsslide sakanyanng phone si Avery dahil sa isang text message na kanina niya pa hinihintay ngunit hindi dumarating.
Bago siya piliting magpakasal kay Elliot, mayroon siyang boyfriend, ngunit ang mas masaklap ay nagkataong pamangkin pa ito ni Elliot, si Cole Foster.
Ngunit ni minsan hindi nila sinabi sa kahit kanino ang tungkol sakanilang relasyon.
Kagabi, tinext niya si Cole na kung maari bang itanan na siya nito at umalis na sila ng Avonsville ngunit kahit na buong magdamag siyang naghintay, walang Cole Foster ang nagparamdam.
Hindi niya na kayang maghintay..
Habang inaayusan, bigla siyang tumayo at hindi mapakaling nagpaalam na lalabas muna sandali.
Mabilisan siyang naglakad sa corridor ngunit bigla siyang natigilan nang madaanan ang isang kwarto.
Nakarinig si Avery ng isang pamilyar na tawa at nang sumilip siya mula sa bahagyang nakabukas na pintuan, nakumpirma niyang ang kanya ngang kapatid ito na si Cassandra.
“Pustahan tayo! Hanggang ngayon, naghihintay pa rin sayo Cole ang bobo kong kapatid. Ano kaya kung puntahan mo siya at paasahing tutulungan mo siya. Patay tayo kapag biglang nagbago ang isip niya at umatras sa kasal!”
“Sa tingin mo ba makakaatras pa siya ngayon?” Niyakap ni Cole si Cassandra mula sa likuran nito at hinalikan ang leeg nito. “Kahit pa tumakas siya ngayon, siguradong kakaladkarin lang siya pabalik ng mga guard at ingungudngod sa altar!”
“Sigurado akong mababaliw yang Avery na yan kapag nalaman niya na sa akin ka umuuwi tuwing gabi!” Tumatawang sagot ni Cassandra.
Sa sobrang bigat sa puso ng mga narinig ni Avery, pakiramdam niya ay para bang mahihimatay na siya.
Napahawak siya ng mahigpit sakanyang wedding gown habang pinipigilan ang sarili niyang umiyak.
Dahil sa pagbagsak ng kanilang kumpanya, hindi kinaya ng kanyang tatay at hanggang ngayon ay bedridden ito sa ospital.
Ito ang nakitang pagkakataon ng kanyang stepmother, na si Wanda Tate, na iarrange marriage siya kay Elliot para sa yaman. Noong mga panahong kinukumbinsi siya nito, pinapalabas nito na gusto lang siya nitong magkaroon ng kinabukasan ngunit hindi tanga si Avery at alam niyang paraan laman ‘yun ni Wanda para umalis na siya sa bahay nila.
Sobrang sakit na ng mga nangyayari kay Avery pero ang pinaka hindi niya matanggap sa lahat ay ang taong minahal at pinagkatiwalaan niya ng sobra ay malalaman niyang ginago at pinagtaksilan pala siya.
Ngayon lang naging malinaw sakanya ang lahat kung bakit ganun-ganun nalang na pumayag si Cole na magpakasal siya. Nangako pa ito sakanya na sa oras na mamatay si Elliot, papakasalan siya nito…
Nang oras na ‘yun, lahat ng pag-asa at pangarap na pinanghahawakan niya ay biglang naglaho. Hindi niya alam kung anong gagawin niya, parang may sumasakal sa leeg niya at hindi siya makahinga.
Habang walang kaide-ideya ang mga tao sa loob ng kwarto na narirnig niya ang lahat, ang kanyang maamong mga mata ay biglang napuno ng puot.
Ilang taon siyang nagtiis sa pang-aapi ng kanyang stepmother at stepsister dahil sinasaalang-alang niya ang kapakanan ng kanyang tatay. Ilang pagmamaltrato ang tiniis niya para lang sa pamilya na kahit kailan ay hindi siya naging parte.
Tama… masyado siyang nagpaka tanga at nagpakamanhid…
Pero ngayon? Wala ng kahit sino ang pwedeng magpaikot at mang’maliit sakanya!
Oras na para bawiin niya ang totoong kanya!
Hindi nagtagal, nagumpisa na ang seremonya.
Suot ang kanyang wedding gown at hawak ang isang bouquet ng bulaklak, dahan-dahang naglakad si Avery sa aisle kasabay ng isang napaka romantic na kanta.
Sinabi niya ang kanyang vow at isinuot ang wedding ring sakanyang sariling daliri.
Halata sa itsura ng mga tao na naguguluhan sila, pero wala siyang pakielam.
Mula ngayon, siya na si Mrs. Foster, at wala ni isa ang kakayaning bumangga sakanya.
Ngunit, ang kanyang asawa, na pinapaikot lamang ang buong Avonsville sa palad nito, ay kaunting araw nalang ang nalalabi sa mundong ibabaw.
……
Noong gabing yun, sa mansyon ni Elliot na umuwi si Avery.
Ito ay nakatirik sa pinaka mayamang district ng siyudad at nasa tinatayang 150 milyung dolyar ang halaga nito.
Bago pa man malibot ng mga mata ni Avery ang layout ng mansyon, bigla siyang kinaladkad ni Mrs. Cooper sa master’s bedroom.
Agad niyang nakita ang isang lalaki na nakahiga sa mala-higanteng kama. Dahan-dahan siyang naglakad at pinagmasdan ang mukha nito.
Tila ba inukit ang mukha nito sa sobrang pagka perpekto, at awra palang nito, halatang mayaman at sobrang taas na tao na.
Marahil sa tagal na rin nitong hindi naarawan, sobrang puti nito, kaya hindi matagal ni Avery ang kanyang pagkatitig dito.
Kung wala itong sakit, sino ba naman siya para mapangasawa nito?
Bago ito ma’bed-ridden dahil sa aksidente, si Elliot ay isang makapangyarihang personalidad ng bansang Arydelle dahil ang pagmamay-ari nitong Sterling Group ay isa sa top ten corporation sa buong bansa.
Ang bali-balita ay masama at matapobre raw ang ugali nito at bukod sa mga legal nitong negosyo, marami rin itong ilegal kaya wala talagang kahit sino ang maaring bumangga rito.
Kahit kailan hindi dumampi sa isip ni Avery na makakapag asawa siya ng isang taong katulad ni Elliot.
Sa kalagitnaan ng kanyang malalim na pag-iisip, biglang bumukas ang pinto.
Si Cole!
“Avery, patawarin mo ako kung ngayon lang kita napuntahan. Sobrang naging busy lang talaga ako.” bungad ni Cole na may mukhang para talagang sobrang nag-aala para kay Avery.
“Asawa na ako ng uncle mo.” Walang emosyong sagot ni Avery. “Kailangan ko pa bang ituro sayo kung paano mo ako dapat tawagin?”
“Alam kong galit ka. Hindi ko kinunsinti ang gusto mo dahil ayokong lalo kang maghirap sa buhay. Aminin man natin o hindi, parang patay na rin si Uncle Elliot, kaya hindi ka na mahihirapan maging asawa niya. At kapag tuluyan na siyang mamatay, ikukuha kita ng isang magaling na lawyer para makuha mo ng buo ang lahat ng iiwanan niya.
Dali-daling kinuha ni Cole ang mga kamay ni Avery at nagpatuloy, At kapag nangyari yun, lahat ng kanya at magiging atin!”
Habang pinapakinggan si Cole, hindi maalis sa isip niya ang mga narinig niya kaya lalo siyang nagalit.
“Bitawan mo nga ako!” Galit na galit na sabi ni Avery habang inaalis ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Cole.
Hindi inaasahan ni Cole na ganun ang magiging reaksyon ni Avery. ‘Bakit parang ibang Avery ang nakilala ko?’
Nasanay siya sa isang Avery na napaka bait at malumanay at ang Avery na ‘yun kahit kailan at hinding hindi siya sisigawan.
Hin… hindi kaya may nalaman ito?
Noong oras na yun, ramdam na ramdam ni Cole ang pagkakonsensya kaya lumapit siya kay Avery para sana magpaliwanag. NôvelDrama.Org holds © this.
Ngunit may biglang nangyari… Napalingon si Cole sa taong nakahiga sa tabi ni Avery at biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa sobrang pagkagulat.
“I…I….Ikaw…” Pautal-utal na sabi Cole.
At hindi nagtagal, ang Elliot, na nakahiga pa rin sa kama, ay dahan-dahang iminulat ang mga mata nito.