Chapter 5 Daydream
"Too early for a daydream, friend."
Antok na boses ni Abby ang pumutol sa mga bagay na bumabagabag sa isip ko.
Nilingon ko siya mula sa pwesto ko malapit sa bintana. There is a space beside the window na pwedeng upuan. There, I sat hugging my knees on my chest. Bumuntong-hininga ako sabay putol sa koneksiyon ko sa kanya at iginugol ang aking mga mata sa buwan na unti-unti nang lumulubog.
"A daydream that is happening in reality, you say, Abby. At nagkataon pang ako ang napiling makaranas ng sitwasyong ito. How unfortunate." May bahid ng pagkadismaya ang aking boses.
If I could just only be ordinary. If I could just only live like an ordinary girl. Ni minsan nga ay di ko maalalang hinatid o sinundo ako ng mga magulang ko sa aking pinapasukang paaralan nung nasa gradeschool ako.
Just like how other parents do with their children. Kapag may nang-away sa mga anak nila, they were there to comfort.
Me? I was born to be brave and independent at an early age.
I actually can't even remember we had a meal together. Pag-uusapan ang mga bagay sa school. Lend them my papers with high scores and receive praises from them. But... it was all pure imagination.
I felt cursed. Kailan ba ako naging ordinaryo? Ordinaryo ba ang lumaki ng walang magulang? I am starting to question out things again. Isa pang malaking tanong ang mga nangyayari sa akin ngayon. Hinigpitan ko ang pagyakap sa aking mga binti. I feel so alone. Alone with the unfortunates of life.
"You're not unfortunate, Sol. Its just that things don't turn out just the way you wanted it to be. At sa tingin mo ay parang pinagkaitan sayo ng mundo ang mga bagay na gusto mong mangyari sa buhay mo. Maybe, I am not in your shoe. But, maybe, you should look at the bright side in every not-good times... I guess."
I saw her stand up from bed at umupo sa espasyong naiwan malapit sa bintana. She was facing my way habang nasa hita niya ang hotdog niyang unan.
"Or maybe, there is really no space for bright sides for me."
Unti-unti nang lumalabas ang haring araw. Kasabay niya ang liwanag na humahawi sa kadilimang nanggagaling sa ilaw ng buwan.
Unti-unti, naaaninagan ko na ang mga puno. Ang mga dahon na sumasayaw sa ihip ng hangin. If this is how easy to find the bright side beyond bad times, I would be happy right now. Hindi katulad ngayon.
"Ang aga nating magdrama, friend. Kain muna tayo. Gutom na ako. Tara, luto tayo."
Inanyaya akong magluto ni Abby. She knows the atmosphere would be so dramatic kapag ipinagpatuloy namin ang usapan.
We left bed to cook for our breakfast.
"Naaalala mo pa ba yung mukha nung Tristan?"
Binasag ni Abby ang katahimikan. Akala ko ay matatapos na lang kaming kumain ay hindi pa kami mag-uusap.
Good thing she initiated the conversation. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kung ako ang magsisimulang magsalita.
"H-ha?" Nauutal kong tanong.
I'm sure I heard her right. I just want to confirm.
"Tristan. Of the other world."
Sumubo into ng omelet habang binabanggit ang mga salita. Gross.
Uminom muna ako ng tubig at saka nagsalita. Pagdating talaga sa usapang ito, kinakabahan ako.
"Hmm. I saw him. His face rather. Pero hindi ko na matandaan. Maybe if I see him again, maaalala ko."
Napuno naman ng pagkadismaya ang mukha ni Abby.
Maybe he likes Tristan. Wala naman atang lalaki ang hindi nagustuhan ni Abby e. Maybe because all of them were handsome I guess. I don't know. Parang lahat ng lalaki kasi nagugustuhan niya. Majority of them are fictional. Hindi totoo pero kinahuhumalingan niya ng todo.
"I'm just curious, Sol. Wala ka bang nararamdaman na signs o ano kapag magteteleport ka na sa ibang mundo? Maybe may parang portal na magbubukas sa harap mo tapos hihigupin ka or maybe may UFO na hihigupin ka sa spaceship at dadalhin ka sa ibang mundo or is it some kind of sorcery just because you're madly I love with the guy?"
Abby and her wild imaginations. Nakakatawa siya paminsan-minsan. Umiiling-iling na lang ako sa mga assumptions niya. Wala namang nag-appear sakin nung napunta ako sa ibang mundo. Ang natatandaan ko lang at naging matulin ang takbo ng mga bagay and then woosh.
"Bukod sa umikot 'yung paningin ko, wala ng ibang nag-appear sa harap ko. And sorcery? Nah. Too old."
Baliw talaga itong si Abby. I won't waste my time injecting needles to a handstitched doll. If I possess a charm, I might use it. Iyon, pwede pa.NôvelDrama.Org owns © this.
Natatawa na lang ako sa pinag-iisip ko.
"But it still works and many still bought it." Nilaro nito ang kutsara sa mga daliri.
"How about a pentagram?"
Malakas akong umiling na nagpatawa kay Abby. Hindi naman kasi magic ang nangyari sakin e. Tsh.
"Maybe you need someone who'll stay by your side every second, Sol my friend."
Malaki ang ngisi ni Abby nang nagbigay ito ng suhestiyon. No way.
"Yes, Sol, my friend. I'll be with you 24/7." Nabilaukan ako sa narinig. She's insane.
"That's insane, Abby. You know you can't be with someone 24/7. At saka, may iba-iba tayong sched. And you have your family to be with. Huwag na. Inaabala mo lang ang sarili mo. I can take care of my problems." Nagtaas siya ng kilay na nangangahulugang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Kahit naman siguro kumbinsido siya sa sinasabi ko at hindi ito magpapapigil.
Abby can't be stopped. Sasakit lang ang ulo mo sa kakaisip ng mga reason para hindi niya ipagpapatuloy ang mga plano niya. Magsasayang ka lang rin ng laway kakasaway sa kanya. She's hardheaded.
"I know. Kaya mo naman i-handle. But you know it would be easy if you have someone to be with. Para naman may panghuhugutan ka ng lakas. At ng advice, maybe." Kinindatan niya ako at itinaas baba ang kilay nito.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
See? Hindi na rin ako nag-abalang pigilan siya. Ang pinoproblema ko lang ay ayaw ko lang na baka may mangyari sa kanyang masama kapag kasama niya ako. Ngayon pa at hindi ko hawak o kontrolado ang sitwasyon. "Anyways, don't let yourself stress over with those problems, friend. Malapit na kaya ang Valentines Day. Loosen up!"
Pagkatapos nitong banggitin ang salitang iyon ay nagtititili ito habang pinagbabato ang mga butil ng popcorn na niluto naming kanina.
Geez. She can really be a mess.
"And? What do you want me to do? Magpatayo ng statue ni St. Valentine and put up hearts inside my house? Write a letter to my crush at ihulog ito sa locker niya? Magpakasal sa wedding booth? Or maybe, I'll buy roses and chocolates at ipadeliver sa LBC pabalik sakin? Parang tanga lang."
Tumayo ako at pinulot ang mga piraso ng popcorn na nasa sahig na tinapon kanina ni Abby. Kung sana ay may maitutulong sakin yang Valentines Day na yan sa problema ko ay kanina ko pa kinabit ng mga pulang papel ang bahay ko. I can even build a statue of that Saint in front of my house kung sakali. But, in search of love? Tsh. It's just a waste of time.
Love will come. Hindi kailangang hanapin o magmadali.
"Masaya ka na? You just spoiled my Valentines, Sol. Ang kj mo! Booooooo!" Nagthumbs down pa ito habang nakatayo sa taas ng upuan.
"Bumaba ka na diyan, Abby. Mukha kang may diperensiya sa pag-iisip e."
Nagpout ito at namugnot ang mukha. Napatawa na lang ako habang umiling-iling. Ito na nga ba ang sinasabi ko e.
"You can still enjoy February 14, Abby." Naging maaliwalas ang mukha into nang binanggit ko ang mga salitang iyon.
"Without me."
Bigla na lang ulit napuno ng pagkadismaya ang mukha nito. She didn't expect me to say that, of course. I am just making things simple. "You really want me to go alone, aren't you?"
Gusto ko pa sanang tumutol sa sinabi niya but I guess this would be better.
"Okay, then."
Inubos muna nito ang pagkain sa plato at saka dumiretso sa aking kwarto. Nagtatampo yun panigurado. Hays. Problema na naman. I'll deal with her later.
After that day, hindi na kami nakapag-usap pa ni Abby. Mukhang sineryoso nito ang kanyang sinabi. Hindi siya nagcall, text, chat o pansinin man lang ako. 'Yun naman ang ginusto ko diba?
Besides, it's for her safety too. Ayoko lang na madamay siya sa mga nangyayari sa akin.
Dumating ang araw ng 14 ng Pebrero at mag-isa akong naglalakad sa pasilyo ng aming building. Natatanaw ko ang mga booth na pinatayo ng mga organizers ng program at kasama ang mga miyembro ng Supreme Student Council. Ang ganda ng pagkakadisenyo sa field. Sa unahan may matatanaw ka na arko na pinasadahan ng puting mga bulaklak. Sa damuhan naman ng field ay may mga petals ng rosas na nagsilbing red carpet. Makahilera naman ang mga booth sa kaliwa at kanan ng field. May wedding booth, letter booth, may arcade at tournaments. Ang sayang tignan ng mga tao dun. May iba na kasama ang kanilang mga jowa at 'yung iba naman ay nagpapakasaya habang single pa. I can see in their faces the happiness. Purong-puro.
I wish I could be like them. Kailan kaya ako sasaya katulad nila?
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñel5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Hey."
Nagulat ako nang may nagsalita at tumabi sakin sa railing. Hindi ko namalayang naestatwa pala ako dito habang tanaw ang mga taong nagkakasiyahan dun sa field.
I look at the guy beside me. Bahagya akong nagulat nang napagtanto kong ang mong term crush ko pala ito.
"N-Nathan."
Nang banggitin ko ang pangalan niya ang napangiti siya which made my heart skipped a beat.
Namula ako kaya mas pinili kong ibalik ang tingin ko sa field. This is awkward. Ako at ang crush ko? On the 14th day of February? Is this some kind of destiny? Erase, erase. "I'm glad you know my name."
Gusto ko siyang banatan ng "Of course we're classmates, idiot!" pero dahil di kami close, wag nalang.
Pagkakamalan pa akong feeling close e. Pero kung alam niya lang, hindi lang ang pangalan niya ang alam ko.
Tumango lang ako. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. As much as I want to talk with him, hindi ko rin naman alam ang sasabihin.
Umuurong ang dila ko kapag siya ang kaharap ko.
"What's with you and being alone, hm? Sol?"
May problema ba to sa pagiging mag-isa ko?
"And what's with me being alone? May problema ka ba dun?"
Too hard, Sol! You're being savage! Hays, kasalanan mo to Nathan e. Di ako nakakapag-isip kapag nakikita ko presensiya mo. Nakita ko kung paano gumuhit sa labi niya ang isang ngiti. Ngingiti-ngiti pa e. "Wala naman. Wala rin kasi akong kausap ngayon e. Puro may mga babae yung mga tukmol."
Napatawa ito sa kanyang sinabi. Ako naman ay pulang-pula na.
I can't even imagine he's with me right now. Mukhang di ako hopia ngayon ah.
"Sol?" Kinalabit niya ako kaya wala akong nagawa kundi ang harapin siya. Ngumiti ito sakin. "You can be happy like them too.
"Ang tunay na kaligayahan hindi hinahanap." Pagkatapos, ginulo niya ang buhok ko at nagpaalam.
Weird.