Ruled by the Blaze (The Unwanted Marriage)

Chapter 90



PATRICIA'S POV (Part 3)

Pagkatapos ng mga nakakapagod na activities kanina at pag kuha ng maraming pictures, nagpahinga kami at kumain. Medyo natahimik nga ako at nawala sa mood dahil sa mga kakaibang tingin ni Callum.

I want to slap him, for real. He keeps staring at me the whole time. Ano na lang ang iisipin ni Bella? I'm sure she knows about my past with Callum.

But thankfully, they didn't eat with us anymore because that was another awkwardness for sure.

Nang pumatak ang gabi, hinanda na namin ang mga alak at pagkain para sa celebration ng birthday ni Kelvin. Hindi ito gaganapin sa loob ng hotel kundi sa labas, malapit sa tahimik na dagat. They create a bon fire. Papalibot kami roon mamaya.NôvelDrama.Org owns © this.

"Finally, I will experience my dream birthday celebration!" masayang usal ni Kelvin habang nandito kami sa may buhanginan.

This is what he really want. To celebrate in a simple way with us.

Ang sarap pakinggan ng mga alon mula rito. It's so peaceful. Madilim na pero may mga ilaw sa palibot ng mga puno, makes surroundings more romantic. Gumawa sila ng bonfire sa tabi lang ng kubo na nirentahan namin. Medyo kaunti ang tao sa paligid dahil ang iba ay nasa sarili nilang kubo.

"Pat, hindi ba talaga awkward sayo na kasama natin sila Callum kanina?"

Napatigil ako sa pag-aayos ng mga iihawin na barbeque dahil kay Jess.

"Uh...m-medyo..." I said truthfully. "But it's fine. Masasanay din ako..."

Kaming mga babae lang ang narito. Sila Jaime, Tyrone at Kelvin ay kinukuha ang ibang pagkain sa room.

"You know what?" tumabi sa'kin si Jess. "Hindi naman pala girlfriend ni Callum si Bella!"

Kumunot ang noo ko. Si Rica ay naaninag kong lumapit din samin nang marinig ang sinabi ni Jess.

"What are you talking about?"

There's no way. Obvious naman na mag jowa sila. I even saw Callum holding Bella's hand. They're so sweet. Bella is such a clingy girlfriend. Kaya bakit niya itatanggi 'yon?

"Duh, si Austine na ang nag sabi! That woman is fond of Callum. Nagsama na sila sa ibang projects. She's just assuming. She probably knew that you're Callum's ex-wife so she said that!"

My lips parted.

Kung hindi siya girlfriend ni Callum...sana ay tumanggi siya no'ng sinabi ni Bella na girlfriend siya nito. Or he don't want to embarrass her? Or maybe they're really had a relationship. Ewan ko ba! "Kaya naman pala ganoon ang tingin ni Callum kay Patricia," ani Rica. "Parang gusto ka nang hablutin kay Jaime..."

"Oh, stop it girls..."

Hindi ko na nagugustuhan ang naririnig.

Medyo lumayo na ako pero rinig ko parin ang usapan nila.

"Do you think, he still love her?"

Suminghap si Jess. "Oo naman! Ngayong nalaman ko na hindi pala siya girlfriend ni Callum, iniisip kong sumama lang talaga siya dito dahil kay Pat!"

"I can hear you two!" namula ang pisngi ko. "Tigilan niyo na yan,"

"Kasi naman, naiirita ako roon sa Bella! Bakit siya ganon! She keeps insisting herself to Callum!"

"Because she's the girlfriend, Jess"

Rica gasped. "He still love you. What can you say about that, Pat? Alam kong ramdam mo rin yung kakaibang tingin niya..."

Nanigas ako.

Para ako'ng binuhusan ng malamig na tubig at binalikan ang mga nakaw na tingin namin ni Callum kanina. Paano naman nila nasabing mahal pa ako no'ng tao kung matalim lagi ang tingin niya sa'kin? Tinulungan niya nga ako umahon kanina pero...maliit na bagay lang 'yon!

He's still taken! Hindi ako maniniwalang wala silang relasyon unless, kay Callum mismo manggaling.

"Mukhang seryoso pinga-uusapan niyo," dumating sila Tyrone dala ang ibang pagkain.

Naputol na ang usapan namin. Nilapitan ako ni Jaime at tinulungan sa ginagawa. Dumating na rin si Austine pero kasama si Callum at Bella. Biglang umasim ang mukha ni Jess. Naalala ko ang sinabi niya.

But looking at how Bella hugged Callum's arm, they seems comfortable to each other.

Inayos na lang namin ang mga pagkain hanggang pumatak ang alas siyete. We started drinking and eating. Kami na rin ni Jaime ang nag ihaw ng barbeque.

"Gosh, excited na ako!" Jess giggled.

"Para saan?" pag singit ni Jaime habang kumakain.

"Mamaya na mag po-propose si Tyrone kay Rica!"

Jaime's eyes widened and eventually smiled. "Oh, good for them..." he looked at me and his cheeks reddened when our eyes locked.

Umiwas ako ng tingin at umupo na sa may bon fire. Pinag-gigitnaan namin ni Kelvin si Jaime, si Jess naman sa tabi ko bago si Austine. Kaharap namin sila Callum, Bella, Rica at Tyrone.

Hindi ako tumitingin sa harap dahil magsasalubong ang mata namin ni Callum. Pinagbuksan ako ni Jaime ng beer at sabay kaming uminom habang si Kelvin ay nag pipicture na naman. Halos umapaw rin ang pagkain namin sa dami ng binili nila Kelvin.

Our circle filled of laugher because of Kelvin's unending stories. Nakikitawa na rin kami ni Jaime habang si Callum ay pansin kong tahimik parin. Para bang may palaso na tutusok sa mata ko kapag nagtatama ang mata namin. Nang mag bukas si Austine ng heavy drinks, uminom rin ako.

Nang halos isang oras na kami umiinom at kumakain, nag announce si Jess tungkol sa fireworks na magaganap.

"Oh my god! I love fireworks!" Callum's girlfriend shouted in excitement.

"I think it's better to watch the fireworks near the sea, Tyrone" I suggested, they all looked at me. "Mas makikita niyo kapag doon kayo pumwesto..."

I pointed the calm sea.

Makahulugang tumingin at tumango sa'kin si Tyrone bago hinawakan ang kamay ni Rica. Walang kamalay malay si Rica at inosenteng lumakad palapit sa dagat. Damn, this is so romantic.

We have our cellphones ready. Kelvin is holding the camera.

Nang unti-unting lumabas ang magagandang fireworks sa kalangitan, halos kumislap ang mata ko sa saya. Tanging ingay lang ng mga ito ang maririnig dahil lahat kami ay pinanonood ito.

Tumayo na rin kami para mas makita ito ng maayos. Ang mga kasama ko ay kumukuha ng litrato samantalang ako'y tulala. I was mesmerized.

"Grabe, ang ganda!" sigaw ni Jess at hinila si Austine. "Babe, picture tayo!"

Gumala ang mata ko at nahagip si Callum na nakasandal sa puno hindi kalayuan kung saan kami nakatayo. Bella is standing beside him and taking pictures of the fireworks and he was busy staring at me. He should watching the fireworks, not me!

Medyo madilim pero naaaninag ko ng maayos ang emosyon sa mukha niya. The lights from the fireworks somehow replicates to his face so I can see how his alluring eyes almost digging at me.

Bumaling ulit ako sa fireworks bago nilingon si Jaime sa tabi ko. Wala ako'ng alam na kinukuhaan niya na pala ako ng picture!

"My face was so epic, Jaime!" I covered my face.

"You're always beautiful..." he chuckled and pulled me closer to him. "Smile!"

Ngumiti rin naman ako nang itapat niya saming dalawa ang camera.

"Omg, ayan na!"

Nagulat ako sa biglang boses ni Jess.

Tumingin kami sa harap at nakitang nag-uusap na si Tyrone at Rica. Hindi namin naririnig ang pag-uusap nila dahil bukod sa maingay ang fireworks, medyo malayo rin kami sa kanila. Maya-maya pa ay muling humarap sa fireworks ang dalawa. Parang matang agila na nakabantay kami sa kanila.

Habang abala sa fireworks si Rica, kumalas sa pagkakaakbay si Tyrone bago pumunta sa likod ni Rica. Halos mahigit ko ang hininga nang lumingon samin si Tyrone at kabadong ngumiti. I showed him a thumbs up to assured that this night will be one of their unforgettable moment.

"You can do it!" I mouthed.

He smiled then took out a red box from his pocket. Pakiramdam ko'y ako ang nasa katayuan ni Rica ngayon dahil sa kaba na nararamdaman ko.

A scene suddenly flashed back to me. It was my wedding day years ago. Mukha ni Callum na malalim ang mga titig sa'kin habang isinusuot ang makintab na singsing sa daliri ko. Shit, sa dami ng maiisip ko ay iyon pa! "Oh my god, Tyrone!" naluluha at hindi makapaniwalang sigaw mula kay Rica.

She's already crying the moment she saw Tyrone kneeling behind her and holding a very beautiful ring. Ang naluluha niya'ng mata ay sandaling bumaling samin at nang makita kaming nanonood, lalo siya'ng umiyak. Nag-init ang sulok ng mata ko sa hindi malamang dahilan. Maybe because I was too happy for them or I just realized that I'll never experienced that kind of love. Genuine and pure love. Love that waits...

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"I know that we have already shared everything through the years. We knew each other too well so you already know that I can't live without you..."

Rica covered her face because of Tyrone's message. Kahit ang mga kasama ko ay nakatuon sa kanila lalo na si Jess na umiiyak na ngayon.

"Si gaga, oh!" bulong ni Kelvin at itinuro si Jess na nakayakap kay Austine. "Kung umiyak akala mo sa kanya nag po-propose!"

Natawa ako at kinuhaan na rin ng video ang dalawa sa unahan.

"I've always been so sure about you..." Tyrone's eyes got teary. "And tonight I want to hear your answer. Will you grow old with me? Will you marry me, my Rica?" Nakagat ko ang labi para pigilan ang emosyon. Nadadala ako sa hikbi ni Rica ngayon.

I suddenly felt Jaime's hand on my shoulder.

"Are you okay?" he handed me a handkerchief. "You're too happy..."

"I was too happy for them..." I chuckled.

We we're suddenly interrupted by a powerful shout.

"Of course, I will marry you!" Rica cried.

Kasunod niyon ang palakpakan namin at hiyawan. Si Jess ay patalon-talon pa sa sobrang tuwa. We gave Tyrone and Rica time to sink in their minds what had just happened. Tyrone gave Rica a long and deep kiss before they hugged each other. They look so perfect. Perfect time, perfect place and perfect person. Yeah, this time is really for them.

"Congrats to the both of you!"

Unang sumugod ng yakap sa kanila si Jess na mas apektado pa kaysa kay Rica. Nakikita ko na lang si Austine na napapailing.

"Congrats, Tyrone and Rica..." I uttered before hugging them. "Stay in love..."

"Thank you, Pat..." makahulugang ngumiti si Rica bago sumulyap kay Callum.

Umiling ako bago kami nag picture taking ulit kasama ang engaged couple.

"Grabe, pinamukha niyo talaga sa'kin na single ako forever! Nag propose talaga mismo sa birthday ko!" pag drama ni Kelvin kaya nag tawanan kami.

"Gosh, that was fabulous!" Callum's girlfriend commented. "Kahit hindi ko kayo ka-close, I've seen the genuine love! I'm sure I'll experience that soon!"

"Uh...thank you, Bella" Tyrone and Rica said.

I saw Jess's hawk eyes watched me after what've Bella said.

I fake a smile after seeing how Bella hugged Callum. So...they're also planning to settle down, huh? G-Good for them. Mukhang matagal na naman silang mag karelasyon kaya ayos na 'yon...

I just hope their relationship will work until last.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.