The Trouble With Good Beginnings

Chapter 9



Chapter 9

“I’M SORRY, Athan. I’m sorry that I failed you.” Napahugot ng malalim na hininga si Aleron habang

pinagmamasdan ang lapida ng kapatid. Huling araw niya na iyon sa pagiging binata. Dapat ay

nagpapahinga na lang siya sa mansyon niya pero hindi siya mapakali.

Sa mansyon pansamantalang tumutuloy si Aleron dahil gusto niyang tuparin ang bilin ng mga

magulang ni Holly na huwag na muna silang magkikita o magkakalapit ng bride niya bago ang kasal.

Bride. Matipid siyang napangiti sa naisip. Wala siyang naging problema sa mga magulang ni Holly.

Tinanggap siya ng mga ito ng buong-buo kaya nakokonsensiya siya.

Kinabukasan matapos mag-propose ni Aleron kay Holly ay magkasama na nilang pinuntahan ang

mansyon ng mga Lejarde para pormal niyang hingin ang kamay ni Holly sa mga magulang nito.

Everything could have been perfect. Ang problema ay hindi niya pa naipagtatapat kung sino talaga

siya.

Hindi kilala ng publiko ang mukha ni Aleron Williams. Low-profile siya gaya ng kanyang ama. Hindi pa

nailalantad ang mukha niya sa mga pahayagan. At sa bawat pinupuntahan niyang meeting ay

sinisiguro niyang ang ka-meeting niya lang ang makakakita sa kanya. Kadalasan ay ang sekretarya

niya ang pinadadalo niya sa mga pagtitipon kasama ang ikalawang punong namamahala sa Williams

Prime Holdings, Incorporated.

Isang misteryo ang mga Williams kung ituring ng lahat. At mas pabor iyon sa kanya dahil mas malaya

siyang nakakakilos ng walang mga matang nakamasid sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi

kilala si Aleron ng ama ni Holly na si Alfar Lejarde sa kabila ng pagiging negosyante rin nito. Ang alam

lang ng mga ito ay siya ang namamahala ng isa sa mga branches ng Williams Shopping Malls.

Ang plano ni Aleron ay ipagtapat na lang ang totoo kay Holly at sa mga magulang nito pagkatapos ng

kasal nila dahil nangangamba siyang iwan siya ng dalaga sa oras na malaman nito ang sekreto niya.

Baka iyon pa ang maging mitsa para hindi matuloy ang kasal nila.

Walang problema sa mga papeles sa kasal. Ipina-asikaso iyon ni Aleron sa executive assistant niya.

Kapag naipagtapat niya na kay Holly ang lahat pati na ang koneksyon niya kay Athan ay saka niya

maipapalipat sa ilalim ng totoong apelyido niya ang mga dokumento. Money had always been the

problem-solver when it comes to those matters. Madali niyang masosolusyunan iyon. Plano niya ring

pakasalan muli si Holly bilang Aleron Williams kapag nagawa niya nang umamin rito.

Susuyuin niya si Holly hanggang sa mapatawad siya nito sakali mang hindi nito agad matanggap ang

lahat. Pero alam niyang mauunawaan siya nito dahil mahal siya nito, malawak ang pang-unawa nito

para sa kanya. Nararamdaman niya iyon. Bukod pa roon ay likas ring mabubuti ang mga magulang

nito. Katulad na katulad ni Holly ang mga iyon. Those were his plans, na agad ring nagbago pagsapit

ng hapon ng araw na iyon. Hindi maipaliwanag ni Aleron ang nararamdaman niya. Siguro ay iyon na

ang tinatawag ng ilan na wedding jitters. Ilang beses siyang nagpaikot-ikot sa mansyon hanggang sa

makapagpasya siya.

Pumunta si Aleron sa sementeryo at pagkatapos ay dederetso siya sa town house ni Holly tutal ay

naroroon lang daw ito. Kinabukasan pa ng madaling-araw darating ang mga magulang nito at ang mga

mag-aayos rito kaya kampante siyang masosolo ang dalaga kahit na sandali. Gusto niya itong

makausap at makasama. Gusto niya nang linisin ang konsensiya niya bago siya tumuloy sa simbahan.

He will spend all night just to beg for her forgiveness afterwards. Dahil hindi niya pala maatim na

humarap sa altar nang may inililihim sa babaeng minamahal.

“I’m sorry that I’m happy, Athan. After what you went through, I know I’m not supposed to feel this way.

Pero automatic ang nagiging saya ko kapag nakikita ko si Holly. Mahal ko siya, Athan. Gusto kong

paniwalaang nagbago na siya, na hindi niya gagawin sa akin ang mga ginawa niya sa ’yo. Siguro tulad

ko, naghihintay rin lang siya ng tamang pagkakataon para aminin sa akin ang tungkol sa ’yo. At sa oras

na umamin siya, patatawarin ko siya. Magsisimula kami ng panibago.” Puno ng pag-asang wika ni

Aleron.

“Alam ko na mauunawaan niya ako kaya uunawain ko rin siya. I will try everyday to make our marriage

work. Holly is a kind woman. And I know, deep in her heart, she had already regretted what she did to

you.” Sandali pang inayos ni Aleron ang mga dalang bulaklak bago niya na nilisan ang sementeryo.

Nagmaneho na siya papunta sa bahay ni Holly.

KUMUNOT ang noo ni Aleron nang maabutang bukas ang gate sa town house ni Holly. Madilim na

nang makarating siya roon. Dere-deretsong pumasok siya. Hindi siya nakakilos nang mabungaran si

Holly sa hardin na may kahalikang lalaki. Nakahawak pa ang mga kamay ng dalaga sa mga pisngi ng

lalaking iyon. This text is property of Nô/velD/rama.Org.

Nagtagis ang mga bagang ni Aleron. Gusto niyang sigawan ang mga ito pero nawalan na siya ng

lakas. Nawalan siya ng tapang lalo na nang manumbalik sa isip niya ang nangyari sa kapatid.

Parang hinahabol ng kung ano na nagmamadaling bumalik sa sasakyan si Aleron at iminaniobra iyon

patakas sa lugar na iyon. Nang makalayo-layo na ay saka niya inihinto ang kotse. Kinuha niya sa

dashboard ang diary ni Athan at muling binuklat sa isang partikular na pahina na sa kalaunan ay halos

tumatak na sa isipan niya.

When I asked Holly to marry me and she said yes, I felt like soaring. Araw-araw, pakiramdam ko ay

nasa langit ako. Nagplano na kami kung paano makakausap ang mga magulang niya. Ang sabi ko,

hintayin na muna namin sandali na matapos ang mga trabaho ni kuya, na makabalik siya sa Manila at

saka kami mamamanhikan. Pero bigla na lang nanlamig sa akin si Holly. Hanggang sa isang araw,

may usapan kaming magkikita noon sa bahay na iniregalo ko para sa kanya.

Papunta sana kaming Batanes, that’s the plan. Pero nahuli ko siyang may kahalikang iba. Sinugod ko

iyong lalaki. Pero sa lalaking iyon pa siya lumapit at saka niya sinabing tapos na daw ang relasyon

namin. Just like that and I was back to hell, back to black. All the beautiful colors were gone in an

instant.

Nag-init ang mga mata ni Aleron. Parang napapasong binitiwan niya ang diary. Ang laki niyang gago.

The diary became his fuel for revenge. Tinandaan niya kahit ang pinakamasasakit na pangyayaring

nakapaloob roon para sa susunod, hindi na siya mabibiktima. Pero hayun at kinain niya ang mga

ipinangako sa sarili. Kinalimutan niya ang lahat ng mga ipinaglalaban niya, ang mga dahilan niya.

Nagpatawad at nagmahal siya pero mas masahol pa sa inabot ng kapatid ang nangyari sa kanya.

How stupid was he to ever think that she can change? Hindi na magbabago pa si Holly. Bakit ba

umasa-asa pa siya? At kung sinugod niya ang mga ito kanina, walang dudang ang sinapit ni Athan rin

ang sasapitin niya. Sinamantala ni Holly ang pagkakataong wala si Aleron para makipagkita sa lalaki

nito. Ano ba talagang balak nito? Perahan din siya? Bakit? Dahil nalaman nito ang koneksyon niya kay

Athan? Pakulo lang ba nito ang hindi pagtanggap sa mga regalo niya noon? Sabagay, mayaman man

ang pamilya nito ay mas angat pa rin ang mga Williams. Siguro siya ang noon pa ay pinapaikot na nito.

Natawa si Aleron kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Ubod-lakas na pinagsusuntok niya ang

manibela. Nang hindi makuntento ay lumabas siya ng kotse at nagsisigaw sa daan sa kabila ng

mangilan-ngilang sasakyang nagdaraan sa kalsada. Damn her! Natuklasan siguro ni Holly agad ang

pagpapanggap niya. She played along.

Pinagsisipa ni Aleron ang gulong ng sasakyan niya habang patuloy sa pagsigaw pero hindi man lang

niyon nabawasan ang sakit. Nanlalatang naupo siya sa sementadong kalsada. Sumandal siya sa

pintuan ng kotse kasabay ng pagyuko niya. Napakasinungaling ni Holly. Ang pagmamahal sa mga

mata at boses nito ang siya ring bumihag sa kapatid niya. Alam niya na iyon pero nagpabihag pa rin

siya.

Para namang nananadya ang langit nang bumuhos ang ulan. Walang buhay na natawa muli si Aleron.

Sumabay sa ulan ang muling pagpatak ng mga luha niya. Damn it, Athan. Kulang ang sinabi mo sa

diary. You didn’t write that it was this painful. Para na akong mamamatay.

Napatingala siya sa kalangitan. Paano niya ba naisip na patas ang mundo? It had never been fair to

him. Shit. No one had prepared him for this.

KUMUYOM ang mga kamay ni Holly. Pilit na itinutulak niya ang mukha ni Cedrick palayo sa kanya

pero hindi ito natinag. Walang-wala pa rin ang kanyang lakas kumpara rito. Bukod pa roon ay hindi rin

siya makakilos ng husto dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanyang ulo at likod.

Mariing pinagdikit niya ang mga labi habang patuloy pa rin ang binata sa paghalik sa kanya. Kung hindi

pa nakarinig ng pagharurot ng isang sasakyan si Cedrick ay parang hindi pa ito matatauhan.

Pinakawalan siya nito.

Hindi niya na nagawang makatayo para ikilos ang para bang namanhid na mga binti. Napaluha siya sa

matinding sama ng loob. Ano ba itong nangyayari sa kanila ni Cedrick? Bumakas ang halo-halong mga

emosyon sa mga mata ng binata. Natatarantang lumapit itong muli sa kanya at pinahid ang mga luha

niya. Lumarawan ang pagsisisi sa anyo nito.

“I’m so sorry, Holly. Nabigla lang ako. Hindi ko sinasadya-“

“Umalis ka na.” Garalgal ang boses na sagot na lang ni Holly. “Ayaw na muna kitang makita.”

“Holly-“

“I said leave!” Inalis niya ang mga kamay ni Cedrick sa kanyang mga pisngi. Itinulak niya ito. “Bukas na

ang kasal ko. Don’t you think this is already too much for me to endure tonight?”

Frustrated na naisuklay ni Cedrick ang kamay sa buhok nito bago ito napayuko. “I’m really sorry, Holly.”

Bumakas ang pagsisisi sa boses nito. “Napakaswerte ni Aleron. I hope he never lets you go.”

Tumalikod na si Cedrick palayo. Ilang sandali pa ang pinalipas ni Holly bago niya nagawang tumayo

para isara ang gate sa pag-alis ni Cedrick. Nanghihina pang pumasok na siya sa loob ng kanyang

bahay. Umakyat siya sa kanyang kwarto. Kahit paano ay nabawasan ang paghihirap sa loob niya nang

makita ang naka-hanger na wedding gown niya. Lumapit siya roon at marahang hinawakan ang tela

niyon.

“Sinusubukan ka lang ng mundo, Holly. Nangyayari talaga iyon sa mga ikinakasal.” Mayamaya ay

pagpapalubag-loob niya sa sarili. “Bukas, magiging Mrs. Holly Lejarde Silva ka na. You will fulfill your

greatest dream. You have no reason to feel depressed.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.